Kabanata 5

14 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.




LULAN na ang magpipinsan sa pink na sasakyan ni Sasa at papunta na sila ngayon sa Unibersidad. Ang lalim nang iniisip ni Isabela, maraming mga bagay ang gumugulo sa isipan niya sapagkat marami pa siyang mga gawain na hindi pa natatapos. Dumagdag pa ang pag-iisip niya kung ano ang magiging takbo ng buhay niya sa bagong unibersidad na papasukan niya. Marami na naman siyang makakasalamuhang bagong mukha sa school year na 'to.

Hinihiling niya na sana sa lugar din na iyon makikita ang taong matagal niya nang gustong makita. Sana nga.

"Anong tinitignan mo dyan?" medyo nagulat si Isabela sa biglang pagsalita ni Rex. Tahimik lang sila kanina magmula nung makaalis sila ng bahay. Magkatabi silang tatlo nina Claire sa back seat. Nakaupo naman sa unahan si Tanya at si Sasa ang nagmamaneho ng kotse.

"Wala." tipid niyang sagot. Ngumiti ang lalaki sabay kamot sa pula nitong buhok. May kuto din ata 'to.

"Gano'n ba? Hm..alam mo ba, magsalita ka rin minsan. Hala! Sige ka! Babaho 'yang hininga mo." pananakot pa nito kay Isabela. Pero wala iyon epek, hindi manlang nagkareaksyon sa mukha si Isabela.

"Hoy! Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Rex? Hayaan mo na si Isabela, ksp ka talaga." suway ni Tanya sa lalaki. Napaayos ng upo si Rex sabay halukipkip ng kanyang braso.

"Inggit ka lang. Makinig ka nalang ng kanta dyan, tsk." sabi niya pa at nag-rolled eyes.

"Tsk, halata namang ayaw kang kausap ni Isabela. 'Pag sinapak ka niyan huwag ka tatakbo sakin."

"Duhh! Mind your own business nag-uusap kami, diba Isabela?" ani Rex saka nagbaling ng tingin kay Isabela. Pero napangiwi nalang ang labi niya nang makitang nakadungaw ito sa bintana at parang may sariling mundo. Natawa si Sasa habang nakatuon ang mga mata sa kalsada, nakikinig siya sa away ng dalawa. Mukhang may panibagong dahilan ng pag-aaway ang aso't pusa ng pamilya Corpuz.

"I heard lola and tito talking last-last-last night...about kung sino sa atin ang pinaka-oldest." singit ni Claire habang nag-aayos sa blush-on nito.

"Grabe naman 'yang oldest, Claire. Uugod-ugod na tao ang pumapasok sa utak ko." sabi ni Rex at sinamaan ng tingin ang katabi. Kumibit-balikat lang si Tanya at sinulyapan sa rear mirror si Isabela.

"Okay, sorry. Panganay pala." pagtatama ni Claire, hindi pa rin mawala-wala ang pagiging mahinhin nito. "Alam ko sa sarili ko na ako ang pinaka-Kuya. Kaya sumunod kayo lagi sa mga inuutos ko." sabi ni Rex gamit ang baritono niyang tinig. Lihim na napa-irap si Tanya at nagbaling ng tingin sa labas ng bintana.

"Kailan ang birthday mo, Isabela?" si Sasa na naman ngayon ang nagsalita.
Napatigil si Isabela dahil nagtanong na ang pinsan niya. Umayos na siya ng upo at tumikhim.

"June 27, 200X." sagot niya. Kumunot ang noo niya nang biglang lumingon ang ulo nina Tanya. claire at Rex. Gulat na gulat ang kanilang reaksiyon habang titig sa mukha niya. Na-tide ba kayo?

"It means si Isabela ang pinakamatanda sa atin?!" bulalas ni Claire at kita sa mukha nito ang tuwa.
"Panganay, Claire. Ang pangit sa tenga 'yang 'matanda' na salita. " saad ni Tanya. Nag-peace sign ang conyo'ng pinsan nila at nanahimik nalang.

"Dapat pala 'ate' ang itatawag namin sa'yo." sabi ni Sasa. Tumango-tango si Tanya bilang pagsang-ayon.

"Ate Isabela nalang ang itatawag namin sayo, pwede ba ate Isabela?" tanong ni Tanya at ngumiti ng marahan. Nawala ang pagkakunot ng noo ni Isabela at tinanguan ang mga ito. Dapat lang talaga siya tawagin na 'ate' dahil siya ang naunang ipinanganak. Umismid si Rex at narinig iyon ng lahat, ayaw niyang agawin ng sinuman ang pwesto niya bilang panganay. Pero si Isabela iyon, ang totoong panganay. Kaya wala siyang magagawa kundi tanggapin nalang, at least second panganay siya.

"Okay! Tawagin niyo na siyang 'ate', wala akong pake ro'n. Basta ako, Isabela pa rin ang itatawag ko sa kanya." aniya at inirapan sina Tanya at Sasa.

"Bahala ka sa buhay mo, Rex." saad ni Tanya at umayos na ng upo. Hindi na siya pinansin pa ni Sasa gayon din si Claire, lalong-lalo na rin si Isabela. Kaya wala siyang nagawa kundi ang manahimik na lang din.




PAGDATING nila sa Z.U. ipinarada kaagad ni Sasa ang sasakyan sa parking lot ng unibersidad. Nagsibabaan na sila ro'n, hindi naawat ni Isabela ang sarili na mamangha sa ganda ng Z.U. hindi niya naisip na maganda pala ito. Nahahati ang unibersidad sa dalawang campus, ang campus A at campus B.

Nasa campus A ang building ng grade 7,8,9,10, cafeteria, science lab at computer hub. Sa campus B naman ay naroon ang building ng mga Senior high, ang Gymnesium, Principals office, Guidance office at library. May malawak din na field dito sa campus B.

"Alam kong nagagandahan ka sa Z.U. diba mas maganda pa 'to kaysa sa school niyo sa probinsya?" hirit ni Rex na nasa tabi niya ngayon. Tinignan niya ito sa mukha gamit ang patay niyang tingin.

"Mas maganda pa rin sa probinsya."

"Rex, tigilan mo nga si ate Isabela." suway ni Sasa kay Rex na halatang naiinis na. Lumapit si Claire kay Isabela at inangkla ang kamay nito sa braso niya. Hindi niya inaasahan iyon kaya gulat niyang tinignan ang kamay ng dalaga.

"Lets go, ate. Male-late na tayo sa class." anyaya sa kanya ni Claire at nagsimula na silang maglakad. Agad naman sumunod sa kanila sina Rex, Tanya at Sasa. Hindi napigilan ni Isabela na mapahawak ng mahiglit sa strap ng kanyang itim na bag pack. Napansin niya rin ang paglingon ng mga kapwa mag-aaral nila na napapatingin sa gawi nila--niya. Para bang nakakita ng multo ang reaksyon nila sa mukha. O baka nagagandahan lang sila sa'yo, Isabela.

"kyaaaaah!"

"Omg! Sino ang gurl na kasama nila?"

"Ang ganda ah."

"New student ba yan?"

"Oo pre, ngayon ko lang din nakita ang mukha niya dito."

"Anong connection niya kina Tanya?"

"Super ganda naman."

"Pa-picture tayo."

"Huwag na, nakakahiya. Baka masapawan ang ganda natin."

"Nadagdagan na naman ang magaganda dito sa University!"

"Ano kaya ang pangalan niya."

Muntik nang dumugo ang tenga ni Isabela sa mga narinig na bulungan. Ewan ko ba kung bulungan pa iyon.

Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil sa sunod-sunod na papuring narinig mula sa mga kapwa mag-aaral niya. Hindi niya lubos maisip kung ano ang itsura niya ngayon at lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya. Para bang gusto niya nang magpalamon sa lupa.

"Ate, from now on sasanayin mo na ang sarili mo. Everyday 'yan always ang maririnig mo here sa University." mahinang bulong ni Claire kaya napatulala nalamang si Isabela. Kung gayon, buong school year ganito ang magiging set up ng morning niya dito s Z.U.? Aba!

Napalunon na lang siya ng laway at iniyuko ang kanyang ulo. Ayaw niyang makit nila ang namumula niyang pisnge. Kyut!

•••







Hello readers! Maraming salamat sa pagtangkilik sa aking ginawang istorya at sana subaybayan ninyo ito hanggang sa wakas nito.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon