Kabanata 3

30 3 0
                                    

DALI-DALING lumabas mula sa kusina si Tanya at may dala itong baso ng tubig. Nacurious siya nang marinig ang mga ingay na nagmumula sa sala ng bahay. Aalamin niya kung ano ang meron do'n, lalo pa't narinig niya ang pagtawa ni lola Teresa. Bibihira kasi nilang marinig tumawa o makita ang ngiti ng lola nila. Kaya gusto niyang malaman kung sino o ano ang dahilan nun. Narinig din niya ang pagsigaw ng kasambahay nila, dumating na ang mga pinsan niya.

Napapaisip siya tuloy kung ano ang itsura ng pinsan nila na taga-probinsya.

Nagkasalubong pa sila ni Claire sa pintuan ng kusina. Naghugas pa kasi ito ng kamay saka sumabay na sa kanya palabas. Napansin niya ang kakaibang ngiti sa labi ni Claire, para bang may nangyaring maganda dito. Hindi niya na binalak na magtanong pa sa pinsan, sigurado naman siya na hindi ito magkukwento sa kanya. Masyadong malihim si Claire.

Bigla nalang sila napanganga nang makita na si Isabela. Parang umaliwalas ang kapaligiran at narinig nila ang mga huni ng ibon. Iniisip siguro nila na isang anghel 'tong pinsan nila. Hay naku! Kung alam niyo lang.

"Woah! S-siya ba si Isabela?" namamanghang tanong ni Tanya sabay turo dito. Confindent naman na tumango-tango si lola Teresa at hinalukipkip ang kanyang mga braso.

"Oo, siya nga. At kamukhang-kamukha ko siya." full confident din na sagot nito. Halos lahat sila'y umasim ang mukha sa sinabi nito.

"Hindi ganyan kaganda ang ine-expect namin!" saad ni Tanya at tumingin kay Claire. Nakangiti ang lahat ngayon habang pinagmamasdan si Isabela, para bang nakatutok sa kanya ang spotlight.

"Even though she's wearing an outfit na pangprobinsya, her beauty is umaapaw." mahinhin na sabi ni Claire. Kaya gulat na napatingin sa kanya si Isabela.

"Clara, ituwid mo nga 'yang tagalog mo. Huwag mong haluan ng salitang banyaga." baling ni lola Teresa sa apo.
Napatakip ng bibig si Claire at umiwas ng tingin. Nahiya siya tuloy dahil napansin niyang nakatingin na pala sa kanya ang kanilang pinsan.

"Conyo magsalita.." usal ni Rex at tumalikod at do'n itinago ng kanyang tawa. Maging sina Tanya at Sasa ay nagpipigil na din ng kanilang tawa. Hindi talaga maintindihan ang magpipinsan na ito. Walang kwentang bagay, ginagawa nilang katatawanan. Lalo na kapag may pinapagalitan sa kanila. At ngayon, si Claire na ipinanganak na conyo magsalita. Sinisi pa ang mga magulang. -.-

Napalingon si Rex kay Tanya at nagbaba ng tingin sa hawak nitong baso na may tubig. Sakto kanina pa siya uhaw na uhaw sa tubig. Kinuha niya nalang basta ang baso sa kamay ni Tanya at nilagok iyon na parang isang alak. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at napatingin sa lola nila. Para kay lola Teresa ang tubig na 'yon.

"Apo, siya ang tita Lea mo. Ito naman ang mga pinsan mo si Clara, Tanya, Rex at Sasa." pakilala ni lola Teresa sa amin at isa-isa kaming itinuro. Tinanguan lang sila ni Isabela, ni-hindi manlang sila nito nginitian. Ehh?

"Wala pa ang tito Roger at tita Ana mo. Ang tito mo kasi nasa kompanya pa at si tita Ana mo naman ay namamalengke." dagdag pa ni lola at ngumiti ng marahan sa dalaga. Pero mukhang walang pakealam sa kanila si Isabela, lumilipad na naman ng isipan nito sa ibang dimensyon.
Kulang nalang talaga e, mapunit ang mga bibig nila sa pagngiti kay Isabela. Kahit na hindi naman

Inilibot ni Isabela ang kanyang paningin sa loob ng bahay. Wala man reaksyon ang mukha niya, pero namamangha talaga siya sa itsura ng loob. Ni-isa walang nagbago sa tekstura niyon, kumpleto pa ang mga kagamitan na daan-daang taon na ang edad. Pero may mga nadagdagan na gamit sa loob, gaya ng flat screen tv, aircon at iba pa. Hindi man halata sa kanya, ngunit sa katunayan niyan ay masayang-masaya siya. Dahil nakaapak na naman ang mga paa niya sa bahay na gawa ng kasinungalingan, sa bawat pader niyon ay may nakasuksok na kasinungalingan, sa mga haligi--ang buong bahay pati ang mga nakatira dito ay gawa sa kasinungalingan. At siya lamang ang nakakaalam sa katotohanan.

Nalipat ang kanyang kayumangging mga mata sa isang malaking obra na nakasabit sa pinakagitna ng pader na kaharap lang ng pintuan ng bahay. Kaya kung papasok man ang sino man sa bahay ay ang painting kaagad ang kanilang mapapansin. Bukod sa malaki ito at napakaganda ng pagkapinta. Ipininta iyon ni Marcelo Corpuz y Montellones, ang pinagmulan ng kanilang salinlahi. Ipininta niya ang magandang mukha ng kanyang yumaong asawa na si Eliotha.

Labis ang pagkalugmok ng lalaki sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na asawa. Inatake sa puso ang ikinamatay ni Eliotha. Ngunit nakapag-iwan siya ng munting alaala kay Marcelo, ang nag-iisa nilang anak na si Elioth. Sinikap pa ring mabuhay ni Marcelo kasama ang kanyang anak na nagpapaalala sa kanyang asawa. Gaya ng ipinangako niya rito, pinag-aral niya si Elioth sa Europa. Lahat ay kanyang ibinigay sa pinakamamahal na anak at sana sa paraang iyon ay mapatawad na siya si Eliotha.

"Siya si Eliotha Isabel. Nagtatakha ka siguro kung bakit magkamukhang-kamukha kayo." narinig niya ang biglang pagsalita ni lola Teresa na ngayon ay nakatingala na rin sa painting. Umiling lang siya at huminga ng malalim. Bigla nalang kasi sumikip ang puso niya nang marinig ang pangalan ng babae.

"Nakikita mo yung matipunong ginoo sa kanyang tabi sa isa pang painting?" nakangiting itinuro ng matanda ang isang larawan sa ibaba ng painting ni Eliotha. Nakita ni Isabela ang family picture ng pamiliya Corpuz. Magkatabing nakaupo ang mag-asawang Eliotha at Marcelo, nakakandong kay Marcelo ang dalawang taong gulang palang na si Elioth. Walang karea-reaksyon ang mukha nila at diretsong nakatingin sa camera. Kupas na ang larawan, hindi maipaliwanag ang kulay niyon. Talagang masasabi mong napakaluma na ng larawan ngunit malinaw ng kaunti ang mukha nila.

"Iyan ang family picture ng mga ninuno natin, apo. Sigurado wala ka pang alam tungkol sa kanila. Gusto mo bang ikwento ko sa iyo ang naging takbo ng kanilang buhay?" tanong ni lola at tumingin sa kanya na may ngiti sa labi.

"Hindi ako interesado sa kanila at wala naman kayong alam ro'n.." sagot niya at ibinulong ang mga huling salita. Hindi man nila narinig ang huli niyang sinabi ngunit nalungkot pa rin sila dahil hindi niya ibig malaman ang magandang kwento ng kanilang mga ninuno.

"Ibig ko na pong magpahinga, lola." saad niya gamit ang malamig niyang boses. Gulat na napatingin sina Rex, Tanya, Sasa at Claire sa isa't isa. Marahil nagulat sila sa paggamit niya ng hindi pangkaraniwang tagalog na salita.

Walang nagawa si lola Teresa at pinayagan nang magpahinga si Isabela. Alam niya kung gaano kapagod ang byahe papunta rito sa siyudad. At saka halata na sa mukha ni Isabela ang matinding pagkapagod.
Kaya pinahatid na ni lola kina Tanya at Sasa ang dalaga sa magiging silid nito.

•••

Como estas?!(kumusta?)

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon