Kabanata 38

5 0 0
                                    



MAKALIPAS ang isang daang taon sa gitna ng highway, nakaalis din sila sa wakas sa traffic at nakarating sa hotel kung saan gaganapin ang MLBB halloween party. Ipinarada nila kaagad ang dala nilang sasakyan sa parking-an at pumasok na sa loob. Sa labas palang ay rinig na rinig na nila ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob ng gusali. Sarado muna sa gabing ito ang hotel para sa gaganapin na party, dito gaganapin sa lobby ang party. May trick or treat din at kailangan pa nilang kumatok sa bawat kwarto ng hotel.

Pagpasok nilang sampo sa main door ng hotel, nadatnan nilang nagsisimula nang magsayawan ang mga tao ro'n. At dahil nga mga couple's ang ML hero na kinosplay nila, tinabihan na nila ang mga partner nila.

Si Chandler, mukhang nagustuhan ang kanta na pinapatugtog ng Dj. Kaya hinatak niya si Isabela papunta sa gitna. Hindi naman ito umangal. Nagsimula siyang kumembot -kembot habang sumasabay sa beat ng tugtog, walang ibang nagawa si Isabela kundi ang pagtawanan siya. Kahit nga ang mga kasama nila na sumasayaw sa gitna ay napapatingin sa kanilang dalawa.

"Baliw ka talaga.."

"Baliw sa'yo, yiee." ani Chandler at tuloy-tuloy pa rin sa pagkembot. Tignan mo mamaya sasakit iyang tagiliran niyan.

Napasinghap siya nang hawakan ni Chandler ang dalawa niyang kamay. Mabilis niyang nakuha ang gagawin nito, sasayaw sila ng cha-cha. Napakaganda ng tugtog, sumasabay ang mga kasama nila sa indak niyon. Samantala, silang dalawa naman ay cha-cha ang isinayaw. Kaya hindi maiwasan ng ibang tao na mapatingin sa kanila.

Nawala kaagad sina Tanya, natagpuan na lamang nila ang mga sarili nila sa harapan ng mga nakahandang pagkain. Ah, kailangan pa muna nilang magbayad bago kumuha ng pagkain na gusto nilang kainin. Mayroong maliit na booth sa tabi ng napakahabang lamesa kung saan magbabayad.

"Anong gusto mong kainin, Tanya?" tanong ni Harvey sa katabi niya. Nagulat ito at tumingin sa kanya.

"Ako na ang magbabayad sa kakainin ko. Salamat nalang."

Ngumisi ito,"Ang advance mong mag-isip. Sagot na namin nina Ernie ang pagkain."

"Anong sagot na namin? Gago ka ba? wala akong sinabi--Oo pala." sabi ni Ernie, ngumiti siya nang tinignan siya ng masama ni Claire.

Pumalakpak si Sasa."Kung gano'n tara!" hinila nito si Mia papalapit sa lamesa at kumuha sila ng pinggan. Agad naman sumunod sa kanila sina Claire at Tanya habang nakatayo naman sa likuran nila ang mga lalaki. Nagsisikohan ang mga ito at nagpapalit ng masasamang tingin sa isa't isa. Hindi naman nila alam na may bayad ang pagkain, si Callixto lamang ang nakakaalam do'n. Ah, pati na rin pala si Chandler.

"Buti nalang may dala akong extra money." nakangusong ani Ernie at sinulyapan ang nobya na naghahain ng pagkain sa pinggan nito.

"Mayaman kaya kayo." natatawang sabi ni Harvey.

"Ahh basta, sagot natin ang food ng mga girlfriend natin." sabi ni Rex at tumingin kay Harvey."Hindi mo pala jowa si Tanya pfft!"

"Ex-girlfriend po." pagtatama nito.

"Teka? Nasaan sina Chandler?" biglang tanong ni Ernie. Sabay-sabay na itinuro ng mga ugok ang dalawa sa gitna na abala sa pagsasayaw ng cha-cha.

Napa-'Ohh' silang apat nang mag-twerk si Chandler at gumiling-giling sa harapan ni Isabela.

"Ngayon ko lang siya nakitang sumayaw ng ganyan." wika ni Harvey, tinakpan nito ang bibig nito para pigilan agad ang sarili na matawa sa pinaggagawa ng pinsan nito.

Isabela(Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat