Kabanata 32

2 0 0
                                    




*Kinabukasan*

TOK! TOK!

NAPALINGON ako sa pinto nang marinig ang katok na iyon. Alas nuebe na ng hapon at hindi ko naisipan na lumabas ng kwarto ko. Wala eh, trip kong magkulong dito sa loob. Nakahiga ako ngayon dito sa kama at tamad na bumangon at lumapit sa pinto.

Pagbukas ko sa pintuan hindi na ako nagulat pa ng makita ko ang pagmumukha ng isa sa mga pinsan ko. Tinaasan ko ng isang kilay si Rex at pinagkrus ang mga braso ko.

"Anong kailangan mo?" walang ganang tanong ko sa kanya. Bagong ligo ang ugok, amoy na amoy ko ang mabango niyang shampoo. Nakasuot siya ng tshirt na puti na may tatak na Fearless, khaki short ang pang-ibaba nito at tsinelas na pambahay.

Ngumiti siya sa akin saka inabot ang isang sobre. "May sulat na dumating... Sa katunayan niyan.. Ito ang kauna-unahang sulat na dumating dito sa bahay." sabi nito.

Kunot-noo ko naman tinignan ang bagay na iyon saka ko tinanggap. Nakakapagtakha naman.

"Kanino galing?" tanong ko pa at sinuri ang sobre. Blangko ang harap at likod niyon, walang pangalang nakasulat mula sa nagpadala.

"Ewan ko.. Hindi ko na rin naabutan yung mailman eh." sagot niya at hinimas ang batok niya.

Tumango ako. "Okay, salamat." tumalikod na ako at pumasok ulit sa loob ng kwarto ko. Ni-lock ko pa muna ang pinto saka umupo sa study table ko. Nasanay na akong nila-lock ang pinto, nadala na ako no'ng isang araw. Bigla nalang pumasok sa kwarto ang mga ugok na iyon, ni hindi man lang kumatok ang mga hayop na 'yon.

"Sino kaya ang nagpadala nito?" tanong ko sa sarili ko at binuksan na ang sobre. Napanganga na lamang ako nang makita ang isang petal ng rosa na kulay lila.

Do'n palang ay may hinala na ako, mula 'to kay Chandler. Inilapit ko sa labi ko ang petal at dinampian iyon ng halik. Para na akong tanga dito na ngingiti-ngiti mag-isa dahil sa simpleng bagay na ito.

Agad kong kinuha ang nakatuping papel sa loob ng sobre. Halatang pinaghirapan ito ni Chandler, kasi pati papel makaluma. Ibinuklat ko na ang papel at sinimulan nang basahin ang nakasulat ro'n.

                                           Agosto 15, 202X

Mahal kong Valentine,
     

      Miss na agad kita, sana lunes na bukas para makasama na kita ulit. Excited na akong makita ka. Kumusta ka? Kasi ako okay lang. Kumakain ka ba dyan? Kasi ako kumakain din dito. Hehe. Ayos lang sa akin na hindi ka tumugon sa liham kong ito, masaya na ako kahit mabasa mo lang ito.

     Alam mo ba na nais kang makilala ni Daddy at Lolo? Ang daldal kasi ni Harvey haha. Ayos lang ba sayo na ipakilala na kita sa kanila? Okay lang kung ayaw mo. Sige na, Valentine. Wala akong masyadong maikwento sa'yo, basta tandaan mo, labs kita yiee!
Ingat palagi, kain ka marami, babush!

Ps:Huwag mo nang iparamdam sa kanila na ayaw mo sila. Spread love, not hate. <3

   
                      Nagmamahal at mahal mo,
                               Chandler/Crisong❄

Hindi talaga nabibigo 'tong si Chandler na pangitiin ako sa mga simpleng bagay. Prisensya niya lang nabubuhayan na ako kaagad. Ngumiti ako ng napakatamis at para bang bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko. Iyong mga negative thoughts sa utak ko bigla nalang winalis palabas.

Iba talaga ang epekto ni Chandler sa katawan ko. Walang ibang lalaki ang nakakagawa nito sa akin. Isinilid ko ulit ang liham ni Chandler sa loob ng sobre at itinago iyon sa drawer. Matapos no'n ay bumalik ako sa kama at kinuha ang cellphone ko para i-chat siya. Sasabihin ko na walang kwenta ang liham niya. Biro lang.





















Isabela(Completed)Where stories live. Discover now