Chapter 12

1K 22 6
                                    

CLARA'S POV

"I'm bored!" pagrereklamo ni Michael.

"I'm bored!" sabi din ni Andre.

"I'm bored!" sabi din ni Jacob.

"I'm bored!"

"I'm bored!"

"I'm bored!"

Paulit-ulit nilang sinasabi yun, hanggang sa di ko na natiis at nainis na ako.

"Ano ba? Tumigil na nga kayo! Tigil na!" sabi ko. Naiinis na kasi talaga ako. Ramdam ko na medyo mainit yung part sa may tenga ko.

Aba! Mga walanghiya! Pinagtawanan lang ako. Nakakainis talaga silang lahat.

"Kukuhanin ko na nga lang yung board games." sabi ko at tumayo.

"Ako na!" sabi ni Jacob sa akin.

"Ayoko nga! Nauna ako sayo eh." sabi ko.

"Ako na kasi!" pagpupumilit ko.

Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa. Tumakbo na ako sa taas para kuhanin yung box of board games ko. Naririnig kong may foot steps. Sumusunod ata sa'kin si Jacob eh.

Narealize ko rin na medyo nag gain ako ng weight. I wasn't as fit as I was before. Hindi na kasi ako masyadong nakapag work-out simula nung mag summer na.

Dati kasi, palagi akong nagjajogging kasama si Julian. Kahit na tinatamad yun, sinasamahan pa rin ako non.

Medyo naputol ang pag iisip ko nung madulas ako sa isang hakbang ng hagdan. Napasigaw ako at kusang tumaas ang mga kamay ko na parang nanghihingi ng tulong pero huli na ata ang lahat, inaantay ko na mahulog na lang ako. Pero hindi nangyari yun.

Kung sa tingin mo, tama ang hula mo. Well, if you did guess. Tama ka nga.

Niyakap at sinalo ako ni Jacob para hindi ako mahulog at tumama sa floor.

"Thanks!" sabi ko. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, dahil nga dun sa muntikan kong pagkahulog.

Nag smirk lang siya sa akin at naningkit na naman yung mga mata ko sa kanya. Bigla kong naalala kung bakit ako talaga natakbo at dumiretso agad sa kwarto ko. Sumunod naman agad si Jacob sa akin.

Ayun nasa taas ng cabinet ko. pero ang taas, hindi ko kayang abutin ng di nagamit ng upuan.

Kinuha ko yung chair malapit sa akin at tumungtong. Nahawakan ko na siya pero medyo naitulak ko. Fail! Nakakainis naman eh, hawak ko na nga eh.

"Ako na nga kasi eh. Tabi na diyan." sabi niya sa akin. Pero hindi ko siya pinakinggan, pilit ko pa ring inaabot yung board games. Tumatalon talon pa ako para maabot yung box.

Dahil makulit ako, ipinilit ko ang gusto ko. Talon! Talon!

"Aaaahhhh." nausog yung upuan at muntik na akong mahulog. Buti na lang nasalo agad ako ni Jacob. Nasa mga braso niya ako, buhat niya ko. Parang bridal style, nagkatinginan lang kami. Ang ganda talaga ng mga mata niya.

Hindi ako makapag salita, parang nanigas ako. Halos dalawang minuto lang kami ganon.

Maya maya, nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Kinakabahan na ako. Shit! Anong balak nito. Napansin siguro niyang kinakabahan ako kaya ngumiti siya, nag smirk siya.

Sobrang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Bakit ba niya ginagawa to?

Bumaba na ako sa pagkakabuhat niya sa akin at inayos ang damit ko. Nagblush naman ako.

Tumalikod naman siya sa akin at inabot yung box. Bakit ang bilis niyang nakuha? Nakakainis naman eh.

“Kulit mo kasi eh.” Sabi niya sa akin.

Just One Summer [JulNiel]Where stories live. Discover now