chapter 11

1K 28 4
                                    

CLARA'S POV

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko dahil sa kakaiyak ko at dahil rin kulang ako sa tulog. 11:00 am na pala, bumangon na ako sa kama at dumiretso sa CR para maligo.

Ang init ngayon kaya nagsuot ako ng white tank top at red cotton short.

Napabuntong hininga pa ako nung binuksan ko yung pinto ng bathroom.Bumaba na ako, umaasang tulog pa sila since late na kagabi at dahil ayaw kong harapin ang isa sa kanila.

No luck. Narinig ko yung mga boses nila sa kitchen nung papasok ako. 

Pagpasok ko, bigla silang tumahimik. Wala akong balak sabihin ngayon. I'm mad, hurt and tired. Kahit na nag sorry na si Jacob sa akin. Sigurado akong hindi niya naalala yun. Gaya ng hindi naalala ni Daddy na sinaktan niya ako noon.

Hindi ako tumingin sa kahit sino sa kanila pero nararamdaman kong nakatingin sila sa akin. Uminom ako ng tubig, pati na rin ng gamot at bumalik na sa kwarto ko.

Alam kong hindi dapat ako magagalit kay Andre at Michael dahil wala silang kinalaman sa nangyari pero kapag galit ako, wala akong kinakausap. Tahimik lang ako.

Sincere ba talaga yung sorry niya? Biglang nag flash sa utak ko yung itsura ni Jacob na nakainom kagabi. 

Naalala ko rin yung thing niya with the girl. Hindi ko namamalayang, nakakuyom pala ang kamay ko. Sobrang nagseselos ako.

Huminga na ako ng malalim at pumikit.

Narinig kong may kumatok sa pinto. "Pasok!" utos ko.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Andre at nginitian ko lang siya. Bahagyang nakabukas ang pinto at ulo lang niya ang nakapasok.

"Oo." sagot ko. He shook his head, at pumasok sa loob saka isinara ang pinto sa likod niya.

"Ibig kong sabihin, may problema ka ba?" tanong niya habang papalapit ng papalapit sa akin.

"Wala." pagsisinungaling ko. Yumuko ako mula sa pagkakatingin sa kanya.

Umusog ako ng kaunti para makaupo din siya sa kama ko.

Sobrang tahimik, nakaupo lang kami at parang tulala pareho.

"Hindi naman siya talagang ganon." bigla niyang sinabi, pambasag ng katahimikan. Hindi ko na kailangang itanong kung sino yun dahil obviously, si Jacob ang sinasabi niya.

"Yung personality niya. Halong sa akin at kay Michael." napatingin ako sa kanya, gulat na gulat sa narinig.

"Alam ko mahirap paniwalaan." ngumiti siya sa akin.

"Anong nangyari?" tanong ko. "Bakit siya nagbago?"

"Yun lang." tumayo siya at tumuro sa akin. "Hindi ko pwedeng sabihin sayo."

"Bakit?" tumayo din ako at tinanong siya.

"Kasi andami kong sinabi sa'yo na dapat hindi naman pero maging mabait ka muna sa kanya. Sinusubukan naman niya eh." sabi niya bago tuluyang umalis ng kwarto.

Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya pero ang alam ko lang ay hindi ko dapat sabihin kay Jacob at kailangan kong malaman yung past ni Jacob.

Hindi naman ako yung uri ng tao na mapagtanim ng sama ng loob pero kasi andami ng nangyari at siyempre tao lang rin ako, normal na magalit ako sa kanya.

Hindi naman talaga siya ganon, paulit ulit sa utak ko ang mga salitang sinabi ni Andre. Ano kayang nangyari? Bakit siya nagbago? Hindi ko naman pwede tanungin si Jacob kasi nga, hindi dapat niya malaman na sinabi sa kin ni Andre.

Just One Summer [JulNiel]Where stories live. Discover now