Chapter 23

861 31 11
                                    

CLARA'S POV

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan! Nakakatakot ka ha!" sabi ko, nakapikit pa rin ako pero alam kong may nakatingin sa akin - si Jacob.

"Ano?! Teka, paano mo nalamang nakatingin ako sa'yo?" gulat na gulat niyang tanong sa akin tapos inilapit pa niya ako sa kanya. Ngumiti lang ako, still nakapikit pa rin.

"Secret!" dumilat na ako. magkayakap na kaming dalawa. siya kasi eh.

"Talaga lang ah?" inilapit niya yung mukha niya sa akin at hinalikan yung labi ko. Tumayo na ako agad sa kama, nag-stretch ng arms at legs. Naglakad na rin papunta sa bathroom para maligo, magtoothbrush at kung ano ano pa.

"Aalis ka agad? ayaw mo na ba sa akin?" tanong niya sa akin. Magda drama na naman to.

"Boring ka kasi eh." pagbibiro ko sa kanya. Ayoko lang kasi nag-iistay sa kama ng matagal kapag umaga, tatamarin na kasi ako kumilos buong araw. Eh ang pangit naman non eh.

"Talaga?" tumayo na rin siya tapos lumapit sa akin.

"Oo. sobra!" hinawakan ko pisngi niya and i slightly tapped his cheeks.

Naningkit yung mata niya sa akin. OMG, may masamang balak to.

"Kung ano man yang binabalak mo, wag na. sorry na." nakangiti kong sinabi sa kanya.

Pero hindi effective, umiling lang siya na parang sinasabi na 'humanda ka na sa akin.' nag-smirk pa siya. ako naman parang ewan, nakangiti lang pero nagmamakaawa.

Bigla na lang akong kiniliti. HUHU, ayoko pa naman ng kinikiliti ako. ako kasi yung tao na sobrang makilitiin. Hindi ako makakahinga sa kakatawa neto. maiiyak pa ako sa kakatawa.

"Stop! Tigilan mo na ako." sabi ko, in between laughters. Ang lakas na ng tawa ko.

"Never!" sabi niya at lalo pa akong kiniliti. hindi ko na kaya, parang sasabog na yung lungs ko. pati tiyan ko masakit na rin sa kakatawa.

"Tama na kasi!" pagmamakaawa ko sa kanya. Kahit gusto ko ang nakikita ko, Tumatawa rin kasi siya kasabay ko. gusto ko na siya patigilin kasi hindi na talaga ako makahinga.

"Sige na nga! Pwede ka na huminga ulit." sa wakas, binatawan at tinigilan na niya ako. ang sarap sa feeling na nakakahinga na ulit ako.

"Wag mo na ulitin yun." i warned him.

"Gusto ko lang naman makita kang tumatawa eh." sagot naman niya sa akin at hinalikan ulit ako sa labi. Nakaka-ilan na to ha, ang aga pa lang.

"Tatawa naman ako eh, wag mo lang akong kilitiin." sabi ko sa kanya.

"Tumatawa ka rin naman sa jokes ko e." sabi niya at kumindat pa.

"Ang corny naman kaya ng jokes mo." nag roll eyes ako sa kanya. Naningkit na naman mata niya. "Joke lang, sobrang nakakatawa nga eh."

Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit, "I love you."

"Alam ko!" proud na proud kong sinabi sa kanya.

"Hindi mo ba sasabihing..." he cleared his throat at ginaya yung tono ng boses ko, "I love you too Jacob."

Ang cute nito, nakakainis!

"Nope!" sagot ko sa kanya, "Maliligo muna ako."

nag-smirk siya sa akin. biglang naalala ko na may sasabihin nga pala siya sa akin.

"Ano nga pala ulit yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Uhm... di ba maliligo ka pa? mamaya na lang." sabi niya sa akin.

Just One Summer [JulNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon