Chapter 21

975 31 5
                                    

IMPORTANT: BASAHIN YUNG AUTHOR'S NOTE SA LAST PART. THANKS :)

-----

CLARA'S POV

Lumipas ang mga araw.... Nag-iimpake na ako ng mga gamit na dadalhin ko sa beach house. Ngayon na kasi kami pupunta doon at susunduin kami ni Daddy ngayon.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok!" sabi ko nung matapos ko ng ayusin yung gamit ko.

"Tapos ka na?" si Jacob pala. Naglakad siya papalapit sa akin. Tumayo naman ako sa kama ko.

"Uhm yup!" ngumiti ako tapos nagbeso sa kanya.

Kinuha na niya yung mga gamit ko. "Sunod ka na sa baba, baka dumating na si Tito."

I nodded. Lumabas na siya, dala-dala yung mga gamit ko. Inayos ko naman yung mga gamit na magulo sa kwarto ko bago tuluyan lumabas. Ayoko kasi na umaalis ng magulo yung kwarto ko.

"Ready to go!" sabi ko sa brothers nung makababa na ako. Nakaupo lang sila sa couch tapos lahat sila naka-suot ng shades. Pare-pareho sila ng t-shirt, kulay lang yung naiba. Black kay Jacob, White kay Michael at Gray naman kay Andre. Nakasuot din sila ng brown shorts at sperry top sider shoes. Gagwapo nila, kainis!

"Yuuuup!" sabay sabay nilang sagot sa akin. Biglang tumunog yung phone ko. Meaning andito na si Dad.

"Guys, he's here." sabi ko sa tatlo tapos sabay sabay silang tumayo at kinuha yung mga gamit. Tumingin naman si Jacob sa akin na parang nagtatanong kung okay lang ba ako.

Masaya ako kasi magkikita ulit kami ng parents ko matapos ang matagal na panahon. Namiss ko sila ng sobra. Siyempre meron din part sa akin na nag-alala.

"Magiging okay din ang lahat." tumingin ako kay Jacob at nagsalita. Ngumiti na rin ako para mas convincing.

Sana nga maging okay lahat. Pilit kong kinukimbinsi ang sarili ko.

Sabay sabay kaming lumabas ng bahay. Ako ang nahuli dahil isinara ko pa yung bahay. Finally nakita ko din si Daddy, nasa labas na siya ng black Fortuner niya at nag-aantay sa amin.

"Sure ka, okay ka lang?" umakbay si Jacob sa akin tapos inilapit niya ako sa kanya.

"Oo naman." ngumiti ako sa kanya.

Lumakad na kami sa car. Nilagay na nung magkakapatid yung gamit namin sa compartment ng kotse.

"Hi Dad!" bati ko sa Daddy ko pero hindi niya ako pinansin. Tumingin lang siya sa akin tapos sumakay na sa kotse. Wow ha, ako na nag-effort bumati sa kanya tapos hindi ako papansin. Ang sakit non ha.

After mailagay yung mga gamit sumakay na kami. Ako nasa passenger seat tapos yung tatlo nasa likod. si Jacob yung nasa gitna.

"Hello po!" bati naman nung tatlo kay Daddy. Tumingin at nag-nod lang si Dad sa kanila tapos pinaandar na yung kotse.

Ang tahimik, nakakabingi. SWEAR! Binuksan ko na lang yung radio para naman magkaroon ng buhay sa loob ng car. Tumingin ako sa rearview mirror at nakita kong nakatingin lang sa akin si Jacob na parang nagtatanong kung okay lang ba talaga ako. I smiled and nodded para malaman niyang okay ako.

Di namin namamalayan, nandito na pala kami. Nakarating na pala kami sa beach house.

Kinuha agad ni Daddy yung gamit niya at pumasok agad sa loob ng bahay. Sumunod naman kami agad sa kanya.

"Nakakainis!" sabi ko nung pagbaba ko pa lang ng sasakyan at kinuha yung mga gamit ko. "Nakakainis talaga!!!!!"

"Huy, magiging okay din lahat." sabi naman sa akin ni Andre.

Just One Summer [JulNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon