Chapter 26

878 25 7
                                    

LAST TWO CHAPTERS TO GO!!!!

PLAY THE SONG SA SIDE PARA DAMA TALAGA YUNG CHAPTER NA TO!! :)

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Clara's POV

Ang bilis talaga ng takbo ng oras lalo na sa mga panahong masaya ka sa ginagawa mo. Ang saya saya na ng summer ko pero matatapos na rin ito. Ang bilis lang talaga.....

parang kahapon lang kakauwi ko pa lang galing school tapos makikita ko yung magkakapatid na nakaupo sa sofa namin.

Parang kanina lang magka-away pa rin kami ni Jacob.

Parang kanina lang nung maging kami ni Jacob.

Nakatingin lang ako sa calendar sa room ko. Dumating na ang araw na pinaka-kinatatakutan ko.

May 25, ang araw na aalis yung brothers. Three weeks na lang bago mag-simula yung school year at college na rin kaming pareho ni Jacob.

May narinig akong kumatok ng bigla sa pinto.

"Pasok!" sabi ko habang nakatingin pa rin sa calendar, inaantay na magbago pa yung date kahit alam na alam kong hindi mangyayari yun.

Yumakap agad siya sa akin ng mahigpit. Sabay naman namin tinignan yung kalendaryo ng sobrang malungkot.

Malungkot din yung three brothers sa pag-alis nila. Mamimiss kasi ni Michael si Max at kahit hindi pa si Andre at Nikki, alam ko naman na mamimiss nila ang isa't isa.

Nakakatuwang isipin na na-fall kaming magkakaibigan sa brothers. Nung una ko pa lang silang nakita or nakilala, hindi ko inisip na si Jacob makakatuluyan ko. Akala ko nga si Michael eh.

"Ayokong umalis ka." malungkot kong sinabi kay Jacob.

Niyakap niya ako ng lalong mahigpit, yung tipong ayaw na niyang bumitaw saka hinalikan yung noo ko.

"Ayoko rin naman umalis eh." sabi niya.

Alam ko naman na wala na siyang magagawa kaya kailangan na lang tanggapin at harapin kahit na sobrang magiging malungkot tong araw na to.

"Tara na nga!" sabi ko sa kanya. Nag-aantay na kasi sa baba yung mga kapatid niya saka si Max at Nikki. Kahit na ayaw ko pa silang paalisin, wala na rin akong magagawa pa.

Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming bumaba. Tahimik naman na nag-aantay yung apat sa baba. Yung mga malulungkot nila mukha parang dinurog yung puso ko. Kainis naman! Bakit ba kasi kelangan magka-ganito pa?

"Ready?" tanong ko sa kanila, pinipilit kong magpakatatag para sa kanilang lahat. Ayokong umiyak dito. Tinignan lang nila ako, ang lungkot pa rin nilang lahat.

Hindi lang naman dahil kay Jacob ako malulungkot eh. Mamimiss ko din siyempre si Andre at Michael.

Mamimiss ko yung kakulitan ni Michael, yung kaingayan niya.

Mamimiss ko yung mga usapan namin ni Andre.

Mamimiss ko yung mga pag-aaway nila.

Mamimiss ko yung gumising katabi si Jacob.

Mamimiss kong makipag-laro kay Michael na parang 4-year old na bata.

Lahat mamimiss ko.

Tumayo na si Andre, "Guys, i think we should go. Hindi tayo pwedeng abutin ng gabi eh."

Sumunod naman yung dalawa sa kuya nila. Isinara na nila yung suitcases nila. Parang gaya lang ng dati, nung una silang dumating. May tatlong suitcases sa sala tapos tatlong lalaking naka-upo sa sofa. Pero iba na ngayon, aalis na sila.

Just One Summer [JulNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon