Chapter 19

1K 38 22
                                    

thank you nga pala sa good reviews . hayaan niyo po, pagbubutihan ko pa ang aking pagsusulat. char! 

at dahil tuwang tuwa din ako sa comments niyo last chapter. eto gift ko sa inyo. i'm sure magugustuhan niyo

--------

CLARA'S POV

"Etong para sayo! Kyaaahhh!!!" sigaw ko tapos binato ko ng malakas si Jacob ng unan. Tumama naman sa mukha niya. Napaupo pa ako sa kama ko sa sobrang tuwa ko dahil natamaan ko siya.

"BOOM!" sigaw ni Jacob nung matamaan naman niya ako ng unan. Nagulat ako at napatigil sa kakatawa. Ang sakit, parang nakalog ang utak ko. Siya naman ang tumawa ngayon pero bigla rin siyang binato ni Michael ng unan kaya napatigil din siya.

"Walanghiya ka! Eto naman sayo!" Gumanti naman si Jacob at binato rin ng unan si Michael. lahat kami nagtawanan, halos gumulong na ako sa kama ko sa sobrang tawa ko. Yung dalawa naman napahiga na sa sahig sa kakatawa.

"Hoy! Ano ba yang ginagawa niyo? Ang iingay niyo naman eh." Biglang pumasok si Andre tapos sinigawan kami. Nagkatinginan na lang kami nila Michael at Jacob. Tinaasan ko ng kilay yung dalawa tapos ngumiti sila. Sabay sabay naman namin na binato si Andre sa mukha ng unan. Saktong sakto talaga sa pagmumukha niya. Muli tumawa na naman kami na parang walang bukas pero si Andre parang dragon na umuusok sa galit. Lalo naman kaming natawa.

"You...you... And you..." Isa isa niya kaming tinuro. "Gaganti ako. But not now." Sabi niya tapos lumabas ng pinto. Ang weird ha.

"Ayoko na! Napapagod na ako kakatawa saka ang sakit na rin ng ulo ko eh." Sabi ko sa dalawa. Kanina pa kasi kami nagpi-pillow fight. Kalog na kalog na ang utak ko neto.

"Hmp! KJ!" Sabi ni Jacob tapos binato na naman ako. Ayoko na sabi eh.

"Uy daya! Ayoko na nga eh." Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako sa kama tapos nilapitan siya.

"Ang saya saya nga eh. Ngayon ka pa aayaw?" Sabi naman ni Michael na nakahiga pa rin sa sahig.

"Nakakapagod kaya noh." Sabi ko sa kaniya tapos binato ko ng stuff toy.

"Eh, ano na gagawin natin?" Dumapa si Michael sa sahig. Nakaharap siya sa akin tapos nakapatong yung ulo niya sa kamay niya tapos nagsesway yung mga paa. Ha, ang cute niya talaga.

"Maglinis ng bahay!" Masayang suggestion ko sa dalawa. Yung dalawa naman parang ngayon lang narinig yung sinabi ko, sobrang nagulat pa.

"ANO?!" Sigaw nila sa akin. Napatayo silang pareho.

"Aray naman!" Tinakpan ko yung tenga ko. Ikaw ba naman masigawan ng dalawang lalaki eh. "Bakit? Ngayon niyo lang ba narinig yung mga salitang yun?"

"Hindi naman..."sabay na naman nilang sinabi.

"Pero mas nakakapagod yun, diba?" Tanong naman ni Jacob sa akin.

"Oo nga naman, Clara." Pagsang-ayon ni Michael.

"Bla...bla...bla..." Sabi ko sa kanila. Tinapik ko yung mga balikat nila tapos ngumiti ako sa kanila. "Maaga pa naman, maglilinis tayo ng bahay."

Lumakad na ako papunta sa may table ko tapos nagtali ng buhok.

"Ano? Tara na!" Niyaya ko na sila tapos lumabas na kami. Naririnig ko pang nagbubulungan yung dalawa, pinabayaan ko na lang sila. Tinawag ko na si Andre, pumayag naman siya kaagad. Bait talaga na kuya eh.

Umakyat kami sa third floor. Doon kasi maraming kwarto na hindi nagagamit, sigurado madumi na talaga doon. Nandun din yung mga gamit pang linis ng bahay, gaya ng vacuum.

Just One Summer [JulNiel]Where stories live. Discover now