Chapter 22

882 25 5
                                    

Jacob's POV

Nangako ako kay Clara na aayusin ko lahat ng problema. Kasama na doon siyempre yung problema niya sa pamilya niya. Siyempre, bilang boyfriend niya responsibility ko na tulungan siya sa mga problema niya.

Kaya naman humanap ako ng paraan. Ayoko na kasing nakikitang nasasaktan siya, nasasaktan din kasi ako.

Ngayong dinner, yun na lang ang nahanap kong paraan para makausap ko si Tito. Nag-lakas loob na ako na kausapin siya para kay Tita at lalo na kay Clara. Kahit hindi ko alam ang tunay na nangyari sa kanila, tutulungan ko pa rin sila maayos ang pamilya nila. Sayang kasi eh.

Masaya sila dati eh. Nagka-sira lang at pilit kong aayusin yun kasi alam kong pwede pang maibalik yung dati. pwede pa itong maayos.

"Saan ka pupunta?" sabay na tanong sa akin ni Clara at ng mommy niya.

"Tatawagin ko siya." sagot ko sa kanila. Nagulat pa sila sa sagot ko.

"No! Hayaan mo siya! Kung ayaw niya, edi wag." sabi naman ng mommy niya. Anong masama sa gagawin ko?

"Pero kailangan po niya kumain eh. Maghapon siya sa kwarto niya." sagot ko. At kailangan ko rin siya makausap kaya kailangan ko siyang puntahan at tawagin.

"Ok, if you insist." pumayag rin siya. Nag-nod na lang ako at umalis na.

Umakyat na ako at nagpunta sa kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim at inisip ang mga sasabihin bago kumatok sa kwarto niya.

"Sir! Dinner na po!" sabi ko at kumatok ng ilang beses sa pinto.

Hindi siya sumagot at inulit ko na lang ang sinabi ko. Few minutes, lumabas na rin siya.

"What is it?" kalmado niyang sinabi pero kinakabahan ako.

"Sir, dinner na po." sabi ko sa kanya.

"Then go eat. Hindi pa naman ako gutom." sabi niya sa akin. Hindi pa gutom? Eh hindi pa nga to nalabas sa kwarto eh. Alam ko na kung saan nag-mana si Clara ng katigasan ng ulo.

"Pero sir, hindi pa po kayo nakain. Samahan niyo na po kami mag-dinner." sabi ko naman.

"Well, sige na." sabi niya. Salamat naman at pumayag. Pumasok siyang muli sa kwarto at pinatay ang mga ilaw.

"Sir, can i talk to you?" magalang kong sabi.

"About what?" tanong niya naman sa akin.

"Hindi ko po alam ang totoong nangyari pero sir, hindi naman po sa nakikialam ako or what, nakwento po kasi sa akin ni Clara yung tungkol sa pamilya niya pero hindi po lahat. Naikwento niya kung gaano kayo kasaya dati. Sir, gusto ko po sana kayong matulungan na maibalik yun." sabi ko. Pero tahimik lang siya at nakatingin sa akin. Bato ba to? Wala ba siyang naramdaman sa sinabi ko?

"Sir, nakita ko po kung paano nahihirapan si Clara. Siya po ang naiipit sa lahat ng nangyayari. Pinoproblema niya ang lahat ng tungkol sa inyo. Sir, kung pwede po sana kausapin niyo naman po siya para po maayos ang lahat. Para naman po maliwanagan siya at pati na rin po kayo sa mga bagay. Pasensya na rin po sa nasabi ko ngayon. Ayoko lang po talaga na, nasasaktan si Clara." sabi ko sa kanya. Nasabi ko na lahat ng gusto ko sabihin sana naman na-gets niya yun.

"First of all, don't call me Sir. Masyadong pormal yan." sabi niya sa akin. Kinabahan na naman ako. "I understand where you're coming from. Alam kong gusto mong tumulong, alam ko. My daughter is very lucky to have you."

"Thank you. So is that a yes?" tanong ko.

"Yes! I am willing to fix things between my family and I. Thank you for having the guts to tell me this. Tomorrow then, I'll settle everything." sabi niya sa akin. Para naman ako nabunutan ng tinik sa dibdib sa narinig ko. Ang saya ko, alam kong eto na ang simula ng pagkakaayos ng pamilya ni Clara.

Just One Summer [JulNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon