Chapter 17 (Special Chapter)

934 22 6
                                    

Madalas update ko nito, eto kasi yung unang tatapusin ko.

Dahil gusto niyo, ibibigay ko :) sabeh?

Presenting.....

Special Chapter lang to. :)

-----

Jacob's POV

Halos lahat sa inyo kilala ako bilang 'jerk' , at bad guy. Naiintindihan ko kung bakit. Alam ko ang sama ko kay Clara. Palagi ko siya inaaway, pinapaiyak. Pero hindi ko talaga gusto yun.

Maniwala man kayo o hindi.

Ako nga pala si Jacob Matthew Zobel de Ayala. Hindi Jacob Procopio/Protacio Zobel de Ayala. Wag na wag kayong maniniwala kay Clara.

Diba, ang bait ng pangalan ko? Parang ako lang din. Maniwala kayo sa akin. Ang gwapo din ng pangalan ko,parang ako.

Playboy? No! Hindi ko kasalanan na sabay sabay silang magkagusto sa akin. Gwapo lang talaga ako. Kapag ako nagmahal, isa lang talaga. Siya lang talaga. Naalala niyo si Mary? Yung babaeng nakipag break sa akin sa previous chapter? Minahal ko yun ah. Tanga lang siya, pinakawalan niya ako. Nakipag break siya sa akin kasi may nahanap na daw siyang iba. Nasaktan talaga ako don ah. Hindi lang halata.

Now, si Clara. Okay siya, okay na okay. Ang sarap niyang asarin kasi para sa akin ang cute niya kapag naasar siya. lalo na kapag namumula na siya sa galit. pero siyempre mas maganda siya kapag nakangiti siya.

Para siyang angel. ANGEL. Bakit ayaw na ayaw niya sa salitang 'Angel' ? Ano ba talagang meron don?

Sa parents niya? Anong meron? Bakit palagi silang wala? Bakit takot si Clara sa Daddy niya? Nasaan ang mom niya? Gusto ko siyang tulungan. Gustong gusto ko siyang damayan pero hindi ko magawa.

Ang dami kong tanong sa utak tungkol sa kanya. Kung mysterious ang tingin niya sa akin, ganon din ako sa kanya.

Yung ginawa ko sa party non? Hindi naman talaga ako iinom eh. Akala ko kasi juice yung nainom ko non, hindi ko namalayan alak pala. Hanggang sa andami ko na palang, nainom. At don sa kiss, sa babae, hindi ko sinasadya. Hindi ko gusto gawin yun. Nadala ako sa kalasingan.

Akala ko kasi si Clara yung babae. Akala ko siya yun, kaya hinalikan ko. Nung may tumawag sa akin at nakita ko si Clara, na realize ko na hindi pala talaga siya yun.

Nung gabing yun, alam kong nasaktan siya. Umiyak siya, alam ko yun. Nainis nga ako sa sarili ko sa ginawa ko eh.

Nagseselos ako sa tuwing lalapit siya kay Michael. Kasi alam kong, crush ni Michael si Clara.

Nagseselos ako sa tuwing lalapit siya kay Julian. Alam kong mas matagal ang pinagsamahan nila sa isa't isa. Alam kong don pa lang lamang na siya sa akin. Ang lapit kasi nila sa isa't isa, ang sweet nila. Nakakainggit kaya yun!

Nung nalaman ko nga na, wala siyang gusto kay Julian tuwang tuwa ako eh. Yung mga halik ko, may ibig sabihin lahat non. Ayoko lang sabihin sa kanya.

Lahat ng ginagawa ko sa kanya, mabuti man o masama, lahat non may ibig sabihin. Alam niyo na siguro kung ano yun.

Ngayon, alam niyo na. Hindi ako masama. Mabait kasi naman talaga ako kaya lang minsan di ko maiwasan ang pagiging mainitin ng ulo ko. Nagtatago lang ako sa isang 'jerk' na attitude pero ang totoo fragile din ako. Vulnerable. Madaling masaktan.

---

SI JACOB :) ngayon alam niyo na ha. Alam niyo na ang saloobin ni Jacob? Wala siyang sinabing may gusto siya kay Clara pero parang may meaning lahat ng sinasabi niya at alam niyo na kung ano yun :)

Sana nag enjoy kayo ;)

Just One Summer [JulNiel]Onde histórias criam vida. Descubra agora