Chapter 20

1K 41 18
                                    

Kilig Much last chapter? Mas kikiligin pa kayo ngayon.

Thank you again for the good reviews. Sabi ko next week pa update pero dahil natuwa talaga ako sa comments niyo, napaaga yung update :)

 ---------------------------------------------------------------

CLARA'S POV

 

"Sabihin mo nga ulit yun." sabi sa akin ni Jacob. Nakaupo kami sa couch, kakatapos lang kasi namin maglinis kaya pagod kaming pareho.

"Unli?!" pambabara ko sa kanya.

"Nagsasawa ka na agad?" parang batang nagtatampo niyang sinabi sa akin.

"Of course not." sabi ko sa kanya.

"Eh bakit ayaw mo sabihin?"

"K, I love you boyfriend." sabi ko sa kanya.

"I love you too, girlfriend." sabi niya naman sa akin.

Tapos biglang tumahimik yung buong paligid. Binasag naman niya yung katahimikan nung magsalita siya.

"Pwedeng magtanong?" sabi niya sa akin.

"Nagtatanong ka na nga eh." natawa kong sinabi sa kanya.

"Maliban don." sabi niya naman.

"Fine." sabi ko lang. Ano naman kaya tatanong nito?

Tumingin lang ako sa kanya, inaantay na mag-salita siya. Naging seryoso yung mukha niya, kinabahan tuloy ako sa kung ano itatanong niya.

“Anong nauna, itlog o manok?” tanong niya sa akin, napakaseryoso pa talaga niya. Nakaka-asar, akala ko naman kung ano itatanong niya tapos ayun lang pala.

*BOING*

Binatukan ko siya.

“Bakit?” nagtataka niyang tanong sa akin tapos tumawa naman ako.

“Baliw ka kasi! Akala ko naman kung gaano ka-seryoso yung tanong mo. Tapos yun lang pala. Naghanda pa naman ako sa isasagot sa’yo. Hmp!” sabi ko sa kanya at nag-cross arms pa ako. Magka-harap kami sa couch at pareho kaming naka-indian sit. Tinawanan lang din niya ako.

“Huli ka!” tumatawa pa rin siya.

“Che!” inirapan ko siya at tinaasan ng kilay.

“Eto na talaga, seryoso na…” sabi niya na sa akin. Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko.

Just One Summer [JulNiel]Where stories live. Discover now