Chapter 5

1.3K 30 3
                                    

 Nagising ako kinaumagahan na sobrang relaxed. Sobrang mas okay na matulog sa sarili mong kama.

 Naligo agad ako tapos sinuot yung paborito kong jeans short at tank top. Pinatuyo ko yung buhok ko at tinali ito in a messy bun.

May narinig akong ingay sa baba na parang may bumagsak. Nagmadali akong bumaba para tignan kung ano ang nangyari. Nakita ko yung dalawa sa brothers na nasa living room. Si Michael nakahiga sa sahig.

"Michael, anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.

"Uh nothing... malungkot yung floor kaya ayun sinamahan ko sa lapag." Sabi niya, medyo nahihirapan na tumayo.

"Okay ka lang?" nag-aalala ko na naming tanong.

"Ah oo.. oo naman." Sabi niya habang nag-iistretch ng katawan.

"Weird mo." Sabi ko sa kanya, "I like it."

"Thanks!" maikli niyang sagot.

"Si Jacob?” tanong ko. Siya lang kasi yung nawawala ditto.

"He's ---" magsasalita pa sana si Andre kaso biglang may nagsalita sa likod.

 “Anong pakialam mo ha?” tanong niya at kilala ko kung sino siya. Umikot ako para harapin siya.

"Wala." Sagot ko. Parang napahiya ata ako don eh

"Talaga? eh bakit mo ako hinahanap? Namiss mo ba ako ha?" nag-smirk siya sa akin.

"Hindi, never!"

May pakialam nga ba ako? Bakit ako may pakialam? Hindi ko pa naman sila masyadong kilala.

Pero madali mapalagay ang loob ko sa mga tao. Hindi ito maganda. 

Hindi ako pwedeng ma-attach sa mga taong to. Aalis sila sa pagtatapos ng summer at maaring hindi ko na muli silang Makita pa. 

Pero hindi pa naman ako dapat na magsalita ng tapos. Maaring sandal nga lang yung three months pero sa maiksing panahon nay un, maraming pwedeng mangyari.

"Clara?" tawag sa akin ni Andre at nag-snap back ako sa reality.

"Ha?"

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"Uh oo, okay lang ako." Sagot ko naman sa kanya.

"Iniisip lang ako niyan."  Lakas-loob na sinabi ni Jacob. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nag-smirk lang siya sa akin.

 “aakyat na ako. Gawin niyo na lang kung ano gusto niyo basta wag lang kayo magkakalat.” Sabi ko sa kanilang tatlo.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Umupo sa kama ko at humarap sa salamin. Tumingin ako sa reflection ko sa mirror, nagsuklay ng buhok at inayos ko ang sarli ko.

"Astig!" nakarinig ako ng boses sa bandang kanan ko. Napatalon at napasigaw talaga ako sa gulat. Tumingin ako sa kanan at nakita ko si Michael na nakasuot yung ulo dun sa pinto ng veranda ko.

"Shit Michael! You scared me! Stop sneaking at people!" sabi ko sa kanya.

"Sorry!"  ang cute ng pagkakasabi niya.

"Uy ang astig! Connected yung rooms natin oh." Ngayon naman si Andre yung lumabas.

"Oh ano, tatayo lang ba kayo jan o papasok kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa

Just One Summer [JulNiel]Where stories live. Discover now