Chapter 3 & 4

1.4K 26 2
                                    

Okay so, kaya chapter 3 & 4 to kasi. Ang shunga ko lang, nabura ko yung chapter 3, idk why. buti na lang may nakasave akong files dito sa laptop. so instead na gumawa ako ng bago, nilagay ko na lang siya kasama ng chapter 4. sorry ah, anyway enjoy =)) (Oct. 20. 2012)

Another update, wala sinipag lang ako kagabi kaya eto. Enjoy! =)

TAGLISH NA AH! =)) HOPE YOU GUYS LIKE IT!

**

CHAPTER 3

"Nagpatawag si Tita Emily ng urgent family meeting. Hindi ko alam kung tungkol saan at bakit kasali pa ako, hindi naman ako part ng family nila. Nandito kami ngayon sa office ni Tito Miguel.

Nanatili akong tahimik samantalang ang ingay nung tatlong magkakapatid. Nagjojoke sila, pero ang corny naman. Dumating yung parents nila sa gitna ng tawanan nila.

"Parang ang saya niyo ah." Sabi ni Tito Miguel.

"Anong meron?"tanong naman ni Tita Emily.

"Wala naman po, joke time lang." sagot naman ni Andre.

"Oh Clara, bakit tahimik ka?" tanong sa akin ng mommy nila.

"Uh, wala po.. marami lang po akong iniisip ngayon." Sagot ko.

"Iniisip niya kasi ako." Sagot ni Michael at tumawa.

"Shut up Mike!" sabi ni Jacob. "Bakit ba tayo andito? Ano meron, bakit nagpatawag ng meeting?" tanong niya sa parents niya. "At bakit kasama yan dito?" sabi niya at tinuro ako. I just glared at him.

"Manners please, Jacob?" paalala ng mommy niya.

"Sorry... not sorry." Sabi niya at nagsmirk na naman sa akin. First week ko na to ngayon, akalain niyo yun. Nakasurvive ako physically, emotionally and mentally. Pero nakakainis pa rin si Jacob.

"Okay lang po, sanay na ako eh." Sagot ko.

"Really?" tanong sa akin ng mommy nila

"Yes po." Sagot ko at ngumiti.

"Pssh.. pakisabi na nga lang kung bakit tayo nandito?" naiinis na sabi ni Jacob. Bakit ba hindi ako masasanay sa ganito? Eh lagi naman tong nangyayari eh.

"Alright napagusapan namin na uuwi na si Clara." Sabi ni tito Miguel. Tama ba ang narinig ko? Ako, uuwi na? WHAAAAT? OMG!

"REALLY?!" tuwang tuwa kong sinabi.

"Mabuti naman! So yun nay un?" Sabi ni Jacob at tuwang tuwa pa siya, mas Masaya pa ata kesa sa akin eh. Tatayo n asana siya nung pigilan siya bigla ng mom niya.

"Jacob!" sigaw ng mom niya.

"Ano?" tanong niya pero kita ko pa rin na masaya siya.

"But mom... bakit naman po ang bilis? Bakit kelangan na niya umalis?" tanong ni Michael at nakikita ko na malungkot siya. Aww, mamimiss ko tong sweet na taong to eh. He has always been the sweetest among the brothers and he has always been my constant companion since the first day.

Just One Summer [JulNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon