Chapter 25

889 24 7
                                    

CLARA'S POV :

"AH!" napasigaw ako nung pagpasok ko sa loob ng bahay.

"Huli ka!" sabay sabay na sinabi ni Daddy. Andre, Michael at ni Mommy. Trip nila ako eh. Nakakaasar ha! Pinagtawanan pa nila akong lahat.

"Nakakainis naman kayo eh! Tinakot niyo ko." sabi ko sa kanila.

"Yun nga yung point eh." sabi ni Andre sa akin. Tinawanan lang din ako ni Jacob.

Paano ba naman ako hindi magugulat? Ang dilim dilim ng bahay tapos pagbukas ko ng pinto biglang may bubulaga sa'yo na mga naka-maskara tapos sisigaw pa. Sige nga, sabihin niyo kung bakit hindi dapat ako magulat? Nasaan ang hustisya?

Nakakatawa lang kasi galing ako sa isang romantic na dinner tapos pag-uwi ganito madadatnan ko. Kung may sakit lang ako sa puso, malamang patay na ako ngayon. Nasan ang hustisya para sa akin? nasaan? sabihin niyo, nasaan? Medyo OA na ata.

"Musta date?" sabay sabay nilang tanong sa amin.

"Ay wow, choir kayo?" pamimilosopo ko sa kanilang lahat.

"Ano nga?" tanong ulit ni Daddy.

"Okay naman." sabi ko, tapos ngumiti ako kay Jacob.

Lahat sila nag-sabi ng "Aww..."

Kainis! Trip na trip talaga nila ako. Bakit parang high sila lahat ngayon? ano kinain ng mga to? Pero kahit ganyan sila sa akin, masaya ako. At least bumalik na si mom and dad sa dati. Nakakangiti at nakakatawa na rin ulit sila.

"In love na talaga ang baby girl namin." sabi ni Mommy at nagblush ako.

"Ma!" sabi ko, tinakpan ko naman ng buhok ko yung mukha ko na mapula na dahil sa pang-aasar nila. Narinig kong tumawa si Jacob, tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng death glare. Tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang nag-susurrender. I rolled my eyes at him.

"Matulog na nga tayo." pag-aaya ni Daddy."We have al long day at the beach tomorrow."

Nag-nod lang ako sa kanya at hinalikan ko ang cheeks ni Mom and Dad, "Goodnight Mommy! Goodnight Dad!" sabi ko at hinakawan yung kamay ni Jacob at lumakad papunta sa hagdan.

"Bakit mo siya kasama?" tanong ni Daddy at tumalikod naman ako. Hindi ko naman masabi na hindi ko inexpect yun pero hiniling ko na sana hindi na lang niya napansin.

"Ano kasi, uhm..Dad, sa kwarto ko siya natutulog." sabi ko, "Two beds lang yung sa guest room."

Ang sama ng tingin ni Daddy kay Jacob tapos sa akin din.

"Hindi. Hindi siya matutulog sa kwarto mo."

"Pero Dad--" i protested pero hindi na niya ako hinayaan mag-salita. Tumingin ako kay mommy, na parang sinasabi sa kanya na tulungan ako pero nag-kibit balkat lang siya at tumingin kay Daddy. Yeah right, he's the boss.

"Wala ng pero, pero. Hindi siya pwede matulog sa kwarto mo." sabi ni Dad.

Fine.

"You can sleep with me in my room..." sabi ni Mommy sa akin.

"Tama doon ka na, matulog sa kwarto ng mommy mo." sabi ni Daddy.

"Paano si Mommy? Diba hindi naman masyado malaki yung bed niya?" tanong ko kay Daddy.

"She'll sleep with me." sabi ni Daddy, a smile formed in my face.

"Yeee!!!' sabay sabay na sinabi namin ng brothers.

"Kaya ba hindi mo kami pinagtatabi para makasama mo si Mommy?" sabi ko kay Daddy. Natatawa talaga ako.

"Nope! Wag mo nga akong ginaganyan ha, Clara. Now go to sleep!" sabi ni Dad. Pikon na yan. Galit na eh. Pero nakakatawa lang talaga.

Just One Summer [JulNiel]Onde histórias criam vida. Descubra agora