Chapter 9

1.1K 28 9
                                    

CLARA'S POV

Pag gising na pag gising ko. Naalala ko agad yung mga nangyari kagabi. Paulit ulit akong nasaktan.

Hindi ako nakatulog ng maayos kaya ayun hindi pa ako umaalis dito sa kama ko.

Gusto ko sanang matulog na lang dahil yun yung best way para natakasan ko tong sakit na nararamdaman ko. Pwede naman diba? Bahay ko naman to eh, summer naman. Pwedeng gawin lahat ng gusto ko. i can stay in my bed for as long as i want. Sa totoo lang, hindi ko feel bumangon ngayon.

Kaya lang kapag ginawa ko naman yun, malalaman nilang may mali or may something sa akin. They''re smart enough to know it.

Paano ba kasi to nangyari? Tinatanong ko ang sarili ko habang naglalakad papunta sa bathroom. Bakit ba kasi siya nagustuhan ko? Oo, hot siya pero player siya. Mahilig manakit ng babae.

Pansin kong iba siya sa lahat ng players but that doesnt make him any better. He's still a player but with a mysterious story.

Bakit ba kasi si Jacob pa? Bakit hindi na lang si Michael or si Andre? Bakit siya pa? Pinapasakit lang ng mga tanong na'to ulo ko eh. Mamaya na lang nga isipin yan. Forget it and let's see how my day turns out.

What's the worst thing that could happen? Lagi kong tanong sa sarili ko sa tuwing nalalagay ako sa ganitong situation o kaya kung gusto ko lang magrisk.

I have always been the different girl. Tinatawanana ko nga lang yung girls na umiiyak dahil sa mga lalaki. Kahit kelan hindi pa naman ako nahaheart broken. probably because, super optimistic ako na parang hindi masasaktan kahit na kailan.

Pero, ano? eto ako ngayon umiiyak dahil sa isang lalaki na hindi ako gusto. Ni Hindi pa nga to love eh. gusto ko siya pero hindi ko siya mahal. Ugh! See how ironic things are?

Dapat ginagawa ko ang mga bagay na ginagawa ng normal teenager gaya ko eh. Dapat kumakain ako nga ice cream habang nasa kama at nanunuod ng sweet flicks.

Pero hindi ko magawa. eto ako ngayon, nagdadalawang isip bumaba sa hagdan. Ayaw makaharap ang isa sa magkakapatid. parang hindi ko kaya eh.

Bigla kong naisip si Mara, yung childhood friend ko dati.  Palagi kasi niyang sinasabi ang : ‘one step forward and ten steps backwards.” Lagi niya yun sinasabi sa tuwing naiipit siya sa mga situation na ganito. Yun yung kapag nagdadalawang isip ang isang tao kung itutuloy pa ba niya ang mga bagay na dapat gawin.

Napatigil ako sa pagbaba sa hagdan at nalungkot sa mga naiisip ko. Ang tagal ko ng hindi naiisip ang tungkol kay Mara ah.  Ano ba naman to? Andami kong naalala? Problema ng utak ko? Dahil ba super desperate na akong malimutan si Jacob?

I shook my head para mawala lahat ng bagay na iniisip ko. Huminga ng malalim at tumuloy sa paglalakad. Tumuloy ako sa kitchen, naririnig ko naman yung boses nung brothers.

“Good Morning.” Bati ko sa kanila. Parang walang nangyari kagabi, pinilit kong maging Masaya ngayon. Here I am, as cheerful as ever.

“Hey!” masayang bati naman ni Michael sa akin.

“Good morning.” Sagot naman ni Andre, na medyo nakangiti.

Napansin kong hindi sumasagot si Jacob at umarte na lang ako na kunwari hindi ko napansin.

“Saya talaga kagabi.” Sabi ni Michael. Ano ba Michael, bakit inopen mo yung topic nay an? Eh ayoko nga yan eh. Medyo nagulat ako pero bigla ko naman pinalitan yung reaction ko. I shifted into a blank expression. Sana walang nakapansin nun.

Just One Summer [JulNiel]Where stories live. Discover now