CHAPTER 43

11.9K 361 19
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 43

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

"Anak I'm so sorry for what your brother did, he didn't know you that's why he said those hurtful words to you. Please forgive him." Napatanga ako kay papa habang nagsasalita s'ya, nakatingin lang ako sa kanya at kumurap-kurat.

Nasa hapag-kainan kaming lahat ngayon, nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Maliban kay nanay at yung kapatid ko na nasa kwarto n'ya. Si nanay naman, hindi pa masyadong magaling kaya inaalagaan ng nurse rito sa bahay.

Lutang parin ako sa mga nangyari kanina, una yung nakita kong parang tagong silid ng bahay na ito pangalawa natawag na naman akong bayarang babae at nasampal ng pera sa mukha at pangatlo, may kakambal ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

Magkatabi sina kuya Achilles, Archer at Alas na nakatitig sa akin ngayon. Kami naman nila kuya Icarus at kuya Xeno ang magkatabi.

"Alas is sorry Ammara, please forgive him." Hinawakan ni kuya Xeno ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at bahagyang ngumiti sa akin. Tumango nalang ako bilang ganti.

"Anak, kanina pa kami nagsasalita rito pero hindi mo naman kami pinapansin dahil wala kang tugon sa mga sinasabi namin." Mahinang saad ni papa kaya parang may bumara sa lalamonan ko.

"Tay kasii--"

"May karanasan si Alas kaya ganun ang reaksyon n'ya pagkakita sayo." Tumingin ako kay kuya Icarus na pinatong ang kamay n'ya sa lamesa.

"Kuya kasi----" Naputol nanaman ang sasabihin ko sana nang magsalita si Kuya Achilles.

"Hindi naman ganyan ang ugali n'yan, ang tagal tagal kana n'yang hinanap eh." Si kuya Archer.

"Alam ko p------"

"Mahal na mahal ka ng kakambal mo baby." Ngumiti sa akin si kuya Icarus

"Mga ku-----"

"Ammara, I didn't know that you're my twin, I'm so sorry for saying those worthless words to you. I'm so sorry for everything." Si Alas naman ngayon ang nagsalita.

"Alas ano kasi---" Sa pang ilang pagkakataon ay pinutol na naman nila ako.

"Patawarin mo na baby, wag kang tumahimik lang diyan. Kung galit ka sabihin mo kung nagtatampo ka sabihin mo. Ilabas mo ang nasa loob mo wag mong kimkimin." Seryosong saad ni Kuya Icarus habang si papa naman ay ngumingiti lang na nakatingin sa akin.

Napairap ako at tumayo. Kanina pa 'to sila eh. Inilagay ko sa bewang ang dalawa kong kamay at naglakad lakad sa likod nila.

"Papa at mga kuya---" Napatahimik ako dahil sa pagsabat na naman ni kuya Archer. "Baby ple----" sa pagkakataong ito, ako na ang pumutol sa kanya.

"Mga kuya, kanina pa PO kayo PO, pwede PO bang ako muna PO ang magsasalita PO ngayon PO?" Diin kong saad habang naglalakad sa likod nila. Nakatungo si Alas habang nakatingin sa akin ang iba.

"Unang una sa lahat kanina pa kayo englis nang englis! Wala akong naiintindihan!" Frusbraded kong sabi habang nakasabunot sa buhok ko.

"Pftt---ehem" Napatingin ako bigla kay kuya Achilles na tatawa na sana pero biglang binago ang reaksyon ng mukha. Nakikita kong parang gumagalaw labi n'ya parang pinipigilang tumawa. Napalabi nalang ako at nagpatuloy.

"Hindi pa pumasok sa maganda kong utak, puso, katawan at kaluluwa na may kakambal ako at bakit hindi kami magkamukha!? Maputi s'ya morena naman ako! Mas magkamukha pa nga kayong lahat kaysa sa akin eh! Tas sasabihin n'yo kakambal ko 'yan? Anong nangyari? Nasampal ba ako noong bata pa ako kaya ganito kulay at mukha ko? Oo maganda ako pero hindi tayo magkamukha!" Napaupo ako sa sobrang desperasyon.

"Pftt. Haha---ehem ft---y-you may continue." Kinunutan ko ng noo si kuya Xeno na tatawa na sana kaya biglang tumahimik.

Tumayo ako. "Ah basta! I reserve an explantation! I reserve an executable ribbon!" Napanood ko 'yan sa TV at nakalimutan ko kung sino ba nagsabi n'yan. Ganyan ata 'yan.

"Pft HHAHAHAHA hindi ko na kaya!"

"HAHHAHAHAHAH laughtrip!"

"Ayaw ko na HAHHAHAHAHAH!"

"HAHAHHAHAHAHA"

"HAHAHHAHAHAHHAHA"

"HAHAHHAHAHA"

"HAHAHAHHAHAHAHAH"

Hindi ako makapaniwala nang bigla silang magtawanan lahat para silang mga adik na tumatawa. Si papa na tawang tawa at nakahawak pa sa t'yan n'ya. Si Kuya Xeno at Icarus ay nag apir, si kuya Achilles at Archer ay parang mga batang nagpapadyak at si Alas na tinatabunan ang mga tawa n'ya. Halos maiiyak na ako sa kanila!

"Ano ba!" Parang may mga luha na sa mga mata ko kaya tumigil sila sa pagtawa at nagseryoso.

Unang nagsalita si papa. "Anak, magkakambal kayo ni Alas, fraternal twins kayong dalawa. Kamukhang kamukha mo ang mama mo anak at halos nakuha naman ng mga lalaki ang mukha ko." Napalunok ako dahil sa sinabi ni papa. Dahan dahan akong bumalik sa upuan ko at tiningnan si Alas nang may naisip ako.

"Pa, asan po ang totoo kong ina?" Napatigil ang lahat, ang tahimik at parang may dumaang kuliglig. Gusto kong makilala kung sino s'ya magmula kasi noong napunta ako rito sa bahay, hindi ko s'ya nakikita.

"Uh p-patay na s'ya." Nahigit ko hininga ko dahil sa sinabi ni papa. Ang lungkot ng mga mata n'ya nakatungo naman ang mga kuya ko. Alam kong malungkot din sila.

"Anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong. Bumigat din ang nasa loob ko dahil sa nalaman ko. Patay na ang totoo kong mama? Ang lungkot naman hindi ko pa s'ya nakita pero wala na.

"Isang araw bago kayo pinanganak ni Alas, binaril s'ya sa ospital ng mga kaaway ko. Namatay s'yang walang kalaban-laban." Nangigigil na saad ni papa.

"Pa, bakit ganun? Bakit laging kaming pamilya mo ang nagbabayad? Bakit may kwarto sa likod bahay? Bakit maraming baril? Bakit? Ano ba talagang trabaho n'yo? Masamang tao ba kayo?" Yumuko naman si papa dahil sa mga tanong ko habang ang mga kapatid ko naman ay nakikinig lang sa amin at hindi nagsasalita, hinahayaan nilang si papa ang magpaliwanag.

"Kasalanan ko kung bakit kayo ang nagbabayad anak patawarin mo si papa. Anak hindi ako masamang tao, at yung mga nakita mo sa kwarto? Totoong mga baril 'yon pero hindi kami masama. Kami ang underground forces ng Pilipinas, kami ang tinatawagan ng gobyerno para gumawa ng mga hindi na nila kaya."

"Kayo ang mga pumapatay sa mga masasamang kaaway? Ganun ba?" Tanong ko.

"Oo, 'yang nakita mo anak, hindi pa 'yan ang totoong headquarter namin. Mayroon pang isa, iyon ang pinakamalaki. Hindi lang kami ng mga kuya mo ang myembro, marami kami at ako ang pinuno anak." Saad n'ya kaya napatahimik ako, nawala ang kaninang takot ko dahil sa nakita.

"Ammara, speaking of myembro alam mo bang myembro ang ex mong nang-alipusta sayo ng samahang ito?" Napatigil ako at napabaling kay kuya Icarus. Si Axel?

"Anong sinasabi mong nang-alipusta kay Ammara Icarus?" Tanong ni papa kaya napalunok ako.

"Pa, si Ammara pinaglalaruan 'yan ng paborito mong agent." Saad ni kuya Icarus. Tumahimik si papa at madiin na tumitig sa akin. Nagtanong s'ya kay kuya kung ano ang nangyari tumingin naman ako kay kuya na wag sabihin ngunit tiningnan n'ya lang ako pabalik at nagpatuloy ng pagkwento kay papa.

"Bakit hinayaang ganunin ka ng taong 'yon Ammara? At ano 'tong nalalaman ko na muntik kana marape noon?" Napalunok ako, bakit nalaman pa ni papa 'yon? Ang tagal na nun eh!

"A-ano po ahm----"

"That's it Ammara, you will go to Australia, at you will study there a about everything 'cause i'll join you to our group para kaya mong pangalagaan ang sarili mo kapag napahamak ka. My decision si final."

*********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα