CHAPTER 35

10.9K 282 8
                                    

WRITTEN BY

MissteriousGuile

CHAPTER 35

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

"Jean bakit ganun? Ang sakit sakit Jean, akala ko mahal n'ya ako. Bakit n'ya ako niloko?"

Nasa park kami ngayon ni Jean, umiiyak ako habang nakayakap sa kanya kasi sobrang sakit na. Sobrang sakit. Parang basag na basag ang puso ko dahil sa pagloko sa akin ni Axel.

"Carnasyon hush, tumigil kana. Wag mo nang iyakan ang taong hindi mahalaga." Mas yumakap ako sa kanya dahil sa sinabi n'ya.

Peling ko s'ya nalang ang kakampi ko sa lahat.

"Jean ang sakit sakit kasi. Niloko n'ya ako at pinagmukhang tanga! May kasintahan pala s'ya tapos niligawan n'ya ako tapos sinagot ko naman! Ni three time n'ya ako Jean! Ang sakit! Three timer ang lalaking 'yon!" Hagulgol ko sa likod n'ya. Para akong batang inagawan ng lollipop habang umiiyak sq kanya.

"U-uhh three timer ata 'yon Carnasyon no?"

Humagulgol ako.

"Ahhh wala akong pakialam basta manloloko s'ya huhuhuhu! Sinaktan n'ya ang damdamin ko!"

"Sshh tahan na, ano kaba? Nga pala, anong plano mo ngayon? Magpapatuloy ka sa pagtatrabaho sa kompanya ni Sir?"

Napaisip ako sa sinabi n'ya, hindi na pala katulad ng dati ang lahat. Ibang iba na pero kailangan ko paring magtrabaho para sa pamilya ko.

"Aalis ako sa kompanya, pwede bang ikaw nalang ang gumawa sa akin ng designation from." Kumalas ako sa kanya at seryoso s'yang tiningnan sa mga mata.

"Huh? Designation from? Ano 'yon?" Ano ba naman to si Jean? Yung para sa pagbibitaw sa tungkulin hindi pa alam? Sekretarya pa naman to ng kompanya.

Umiling iling ako at malungkot na tiningnan s'ya.

"Jean, naaawa ako sayo. Designation from lang hindi mo pa alam? Yun yung ibinibigay sa boss mo pag magbibitaw kana sa trabaho, hays kawawa ka naman. Okay lang 'yan mahal parin kit-----aray! Bakit ka nambabatok jan!?" Bigla kasi akong binatukan, siraulo to.

"Resignation form yun hindi designation from! Anong kawawa kawawa ka jan!? Gusto mo batukan kita ulit!?" Umaakto s'yang babatukan ako kaya tumayo ako at akmang tatakbo.

"Oh! Hindi na hindi na! Umupo kana ulit!"

Nakanguso akong umupo sa harap n'ya. Magkasalubong ang kanyang mga kilay na parang stres na stres na nakatingin sa akin.

Pumikit s'ya bago nagsalita.

"Sigurado kana sa desisyon mo? Magbihitaw ka?" Tumango ako.

"Oo naman Jean, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin pag hindi ko gagawin 'to haha."

Bumuntong hininga s'ya at niyakap ako.

"Naiintindihan kita, sige ako na bahala doon. Anong plano mo pagkatapos?" Nag-isip naman ako.

Siguro hahanap nalang ako ng bagong trabaho.

"Hmm, hahanap nalang muna ako ng bagong trabaho. Kahit ano papasukan ko basta matulungan ko lang ang pamilya ko Jean." Mahina kong saad sa kanya.

Gustong gusto kong tulungan ang pamilya ko kaya lahat gagawin ko para sa kanila.

"May kilala akong naghahanap ng katulong, gusto mo ba?" Halos kuninang naman ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

"Salamat Jean!" Niyakap ko s'ya ng mahigpit na nagpatawa naman ng bahagya sa kanya.

"Oo na oo na, teka bitaw muna iniipit mo ako eh haha." Bumitaw ako.

Totoo nga ang sabi nila after a rainder thiers a rain!

"At para sa resignation letter mo, bukan na bukas ipapasa ko na. Kailangan ko lang ng pirma mo. Hindi mo na kailangang pumunta doon ako na ang bahala."

"Sige sige, maraming maraming salamat ha?" Ngumiti ako ng totoo sa kanya.

"Ang sakit lang kasi Jean eh, may Annika pala s'ya tapos jinowa pa ako haha." Malungkot s'yang tumitig sa akin.

"Kwentuhan kita kung bakit nagkaganyan sila?" Saad n'ya.

"Sino?"

"Sila Sir Axel at ma'am Anikka, saksi ako sa kanilang p-pagmamahalan." Hindi pa n'ya halos masabi ang pagmamahalan dahil siguro iniisip n'ya ang mararamdaman ko.

"O-okay sige." Saad ko nalang kahit may bikig na sa lalamunan ko.

"Napaka sungit ni ser noon, ang sama ng ugali n'ya. Kilala mo naman si RK diba?" Tumango ako. "Pinsan ni RK si Anikka, ipinakilala n'ya silang dalawa at si Sir naman na halos allergic sa babae ay sinusungitan si Annika. Halos araw araw nag-aaway silang dalawa hanggang sa bigla nalang nagkagusto si Annika kay Sir, itutuloy ko pa ba?" Alangan n'yang saad iniisip n'ya kung ako ang mararamdaman ko.

"Ginawa ni Annika ang lahat mapatawa lang si ser, kahit anong kagaguhan pinapatos n'ya para lang pansinin s'ya ni sir at nagtagumpay naman s'ya." Tumango nalang ako sa kanya.

Ang swerte pala ni Annika, ang yaman yaman na nga n'ya ang ganda pa tapos mahal pa s'ya ng taong mahal na mahal ko.

"Pero alam mo ba? Hindi nanligaw si sir kay Annika, nagulat nalang kami sa biglaang pag-announce ni Sir na sila na ni Anikka."

"Ahh sana ol. Pero bakit sila nagkahiwalay?" Tanong ko sa kanya kasi diba? Sayan labstorey nila.

"Umalis si Anikka papuntang America, at ang alam namin ay magmomodel s'ya dun kaya ayun si Sir bumabalik na naman sa dating gawi. Ang sungit sungit na naman. Hanggang sa dumating ka at nagbago ulit si ser at bumalik si Anikka at nalaman n'yang nagpagamot pala si Anikka sa sakit n'ya sa puso kaya iniwan n'ya si Sir." Sagot n'ya sa tanong ko.

Parang bumigat ang pakiramdam ko. Hiniram ko lang pala si ser sa tunay na nagmamay-ari sa kanya. At ngayong bumalik na ang una, maiiwan ako kasi hindi s'ya naging akin una palang.

"Bakit hindi n'ya sinabi kay ser ang sakit n'ya?" Tanong ko ulit.

Sige Carnasyon saktan mo pa ang sarili mo hala sige!

"Kasi wala daw chance ang pagpapagamot n'ya doon pwedeng hindi na s'ya makakabalik dito kaya mas mabuti raw na galit si sir sa kanya." Saad n'ya.

Ang ganda naman pala ng labstorey nila, ako isa lang talaga akong kontrabida sa kanilang dalawa.

"Ahhh okie, pero Jean bakit alam mo ang lahat ng 'to?" Tanong ko ulit.

Tumingin s'ya sa paligid at nag-ayos ng upo. Nasa ilalim pala kami ngayon ng mangga dito sa park at nakaupo sa isa sa mga upuan dito.

"Narinig ko silang nag-uusap noong isang araw. Timing naman na pinapahatid nila ako ng kape, kasama nilang nag-uusap si RK na humingi ng tawad kay sir kasi hindi n'ya sinabi ang tunang na nangyayari. Alam mo bang gustong gusto ko na sabihin sayo pero baka hindi mo ako pakikinggan."

Kaya siguro nagbago na si ser kasi dumating na s'ya. Kaya pala ganun na ang pakikitungo n'ya sakin kasi bumalik na ang original.

Oo alam kong kakambal ng pagmamahal ang masaktan pero bakit grabe naman ata ang sa akin? Wala naman akong ginawang masama ah para ganituhin ako.

Yung minsang akala mo s'ya na pero hindi pala, isa lang siyang aral sa buhay mo. Isang maling tao kumbaga para ihatid ka sa tamang taong nakalaan para sayo.

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now