CHAPTER 27

11K 299 5
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 27

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Naglalakad ako ngayon papasok sa opisina ni ser hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero pinagtitinginan ako ng mga tao.

Dahil ba 'to sa nangyari kahapon?

"S'ya yun diba? S'ya yung nililigawan ni ser? She's so simple yuck." Napakunot ang noo ko dahil sa dalawang babaeng nag-uusap habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Anong pinag-uusapan ng mga 'to? Bakit sila nakatingin sa'kin?

Hala! nasa TV na ba ako!? Artista na ako!? Wao! Pero teka kailan nga ba ako kinunan para sa pelikula?

Lumapit ako sa kanila.

Nakita kong napaatras sila at namumutla. O bakit natatakot ata sila sa'kin? Akala ko ba nasa pelikula ako?

"Uh, ako ba pinag-uusapan n'yo?" Tinuro ko ang sarili ko habang nagtatanong sa kanila.

Nagbulungan silang dalawa, hindi ko alam kung ano kasi hindi ko naman naririnig.

"A-ah please wag mo kaming isumbong kay Ser, maawa ka. Please please please C-Carnasyon." Napa huh ako sa sinabi nila.

Pinagsasabi ng mga 'to? Hala, w-wag m-mong sabihing sinaniban din sila ng mga multo na sumanib kay ser!?

Napalayo ako sa kanila na naging dahil kung bakit mas namutla na naman sila.

"Please please no, wag mo kaming isumbong maawa ka sa'min. Please please I'm begging you." Halos lumuhod na sila sa harap ko habang nagmamakaawa.

Hala, multo na hindi pa naka usad!

Takot na takot ko silang tiningnan, may mga pangyayaring ang mga kaluluwang hindi pa nakausad sa kabilang buhay ay ang mga multong kayang hamakin ang mga tao magawa lang ang kanilang gusto.

Maamaaa! Tumakbo ako paalis sa harapan nila.

Nakakatakot na ngayon ang mundo!

Nasa labas na ako ng opisina ni ser kumatok ako saka pumasok.

Nadatnan ko si ser na may kausap sa telepono.

"Yes we will play thier game but this time, we're the player. Okay goodbye, make me proud. Make them think that they win this game but in the end, they will lose." Pinatay na n'ya ang telepono saka binalik sa lalagyan nito.

Napansin kong may malaking kahon sa lamesa n'ya tumingin ako roon at tumitig.

"Good morning uh kumusta tulog mo? Ahm I have----Ah no uhm may ibibigay ako sayo." Huh? Ano ibibigay n'ya?

Hala baka bigyan n'ya ako ng droga!? Baka gusto n'yang pahithitin n'ya rin ako!?

Hindi pwede! Mahal ko pa ang magiging buhay ko sa hinaharap at kahit boss ko pa s'ya at nanliligaw s'ya sakin hinding hindi ako hihithit ng droga katulad n'ya!

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now