CHAPTER 1

31.2K 551 75
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 1

CARNASYON MARIA ZEIL'S POV

Naranasan nyo na ba ang pinakamahirap na nangyari sa inyong buhay? Dahil ako oo! Naranasan ko na! At ano yun? Ay yung punuin ang resume ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sayo!

At bakit!? Kasi english!! Di ko masyadong naiintindihan ang english! Lalong lalong lalo na kung magsasalita ako!

You know when I talk talk in english my nose is will be bleed bleed you know? When the dugo is labas labas in your nose? Then it will abot abot my mouth then I will tasty it? The english is bery bery hard like a hard hard so hard! Ganyan ganyan ako magsalita!

Oo nakarating ako ng college pero lagi naman akong lumiliban sa klase dahil ako ang naghahanap ng makakain namin ni inay at ni bunso kaya pasang awa ang lahat ng marka ko.

Okay! Back, back to topic!

Hawak hawak ko ngayon ang resume na pupunuin ko, may aplayan kasi akong kompanya. Isa sa mga napakalaking kompanya dito sa Pilipinas. Kaya kahit janitor man lang ay matanggap ako. Nagsimula na akong nagsulat sa resume.

Name? Alam ko to! Pangalan to! Dali-dali kong isinulat ang pangalan ko.

Address? Adres? Andres? Sino ba to? O baka Undress? Undress!?? Alam ko to ahh diba maghuhubad yun!?

Bastos tong resume na to ahh!! Di na to tama!! Porke't mahirap lang ako ay paghuhubadin na!! I'm not slirt okay! I'm not slirt! Kaya ito ang inilagay ko...

Address: HINDI AKO MAGHUHUBAD, BASTOS TO!!

Buti nga sa kanila! Hinding hindi ako maghuhubad hinding hindi nila makikita ang belicious body ko!

Sunod kong pinuno ang contact number. Oyy alam ko to!! Diba ko tong ilalagay ko dito!! Ohmygod don't touch me i'm genius genius!! Pero teka ilalagay ko ang number ng phone ko? Pasimple pa to, gusto lang naman nilang makuha ang number ko, gusto lang nila akong gawing text mate. Dyahe na nga lang, inilagay ko na ang contact number ko.

Narito na ako sa Personal information.

Nationality: Filipino

Religion: Catholic

Sex? Seks? Napakabastos talaga nito! Baka akala nito ahh!! Kaya inilagay ko na ang sagot.

Sex: VIRGIN PA AKO!!

Napakabastos talaga nito!! Tsk!! Hanggang sa natapos ko nang punuin ang resume. Dumugo nga ang ilong ko sa english na nasa papel ehh.

Oo nga pala, ako nga pala si Carnasyon Maria Zeil Batobalani, bente taong gulang at nakatira sa Batang highway Street pero matanda na pagdating sa dulo. Ang taas ng pangalan ng lugar namin sa? Bilib na bilib nga ako sa nagpangalan nyan, walang iba kundi ako!!

Batang highway street lang kasi sana yan pero sinabi ko kay kapitan na lagyan ng, Pero matanda sa dulo kasi ano! Hindi lang naman tayo magiging bata hanggang sa dulo tatanda kaya tayo! Paniwalang paniwala nga si kap ehh! Ginamitan ko pa yun ng english kaya pumapalakpak si kap! Hahahaha.

Bitaw pupunta na ako ngayon sa kompanyang pagtatrabahuan dahil tapos ko nang punuin ang resumeng binigay nila. Tumayo na ako sa papag at pumunta sa kapatid kong nagbabantay kay inay na nasa kwarto, di ko alam kong anong nangyari basta nanghihina nalang bigla si inay kaya't ako nalang ang maghahanap ng makakain namin ngayon.

Nasa bahay lang siya nakaratay dahil wala kaming pampaospital. Kaya ako nalang ang maghahanap ng trabaho para sa aming tatlo. Naawa na din kasi ako kay inay ehh. Siya nalang lagi ang nagsasakripisyo. Iniwan kasi kami ng magaling kong tatay, ayun sumasakabilang bahay na! Iniwan kami para sa isang babae! Kapal ng mukha! Hindi naman ganun kagwapohan! Tsk!!

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now