CHAPTER 17

11.8K 351 11
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 17

AXEL'S POV

I'm shivering in my bed, I'm so cold and my head is pounding. I can't stand, dizziness is spreading into my head. I tried reaching for my phone in my bedside table and luckily I was able to grab it. I dialled my friend's number but they're all can't be reached. I don't know what's gotten into me but I dialled my P.A's number.

Of course she's my P.A and her duty is to take care of me. A few rings and she answered her phone.

"Hello ser? May problema po ba kayo sa buhay n'yo? 9PM na po matutulog na po ako pero heto kayo at tinatawagan ako. Anong gusto mo magiging tayo? Not ser!" I smiled because of her silliness even though I'm in this situation I can't help but to smile because of her remarks.

"I-I'm cold, I need you." I said almost whispering. I need her and I want her.

"Malamig ka at kailangan mo ako!? Sana ol ser."

"I'm serious here." My head hurts badly.

"Si Serious here kapo ser!? Akala ko si Axel ka!?"

"Just, pumunta ka lang dito please. Sabihin mo sa mga guard to, 997089 para papasukin ka nila." It's my special acces and sa kanya ko lang ibinigay 'yun and I never beg someone, only for her.

I don't know what happened before my head is pounding badly and my sight is blurry. I felt someone put a towel in my head at pinakain ako ng gulay na may sabaw.

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

"Inumin n'yo 'tong paracetamol ser, naku naman! Kailangan sumuka talaga ser!?" Napatingin ako sa damit kong sinukahan n'ya. Grabe naman to si ser! Ako na nga nagpakain sa kanya sinukahan pa ako! Oh my!

"Ser! You do note that I'm the feeding welding you and you throwing throw me a sticky stick!" Para akong tanga na kinakausap ang taong parang bangag.

Ang talino ko talaga sa ingles ako na talaga! Pinapasok ako ng guard kanina dahil sinabi ko 997078 ano ba 'yan ang ano talaga ng mga mayayaman.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto ni ser at napahanga ako sa aking nakita. Ang ganda, galing sa kulay abong pinta hanggang sa pagkaka arrangements ng gamit. Napaka ganda talaga at ang laki, may cr din sa loob nito. Napadako ang mga mata ko sa nakataob na picture frameds. Naglakad ako papunta roon at hinawakan ito.

"B-babae?" Hindi ko alam kong bakit sumakit ang puso ko dahil sa nakikita ko. Nakaakbay si Ser Axel sa babae habang nakangiti silang dalawa. Ang ganda 'nung babae. Para s'yang anghel na bumaba galing sa langit, napaka ganda ng kanyang ngiti. At ang kanyang balat kutis porcelana ito at napaka puti.

"Arggg" Ibinaba ko ang picture frameds at lumapit kay ser na umuungol. Hala baka inaaswang to kaya umuungol!?

Waitings wala naman atang aswang dito diba? Ngek ang baho ko na pala dahil sa suka ni Ser. Kailangan kong magpalit.

Hinubad ko ang t-shirt ko.

"B-bakit ka naghuhubad?" Napalingon ako bigla kay ser na biglang nagsalita, namumugay ang mga mata n'yang nakatingin sakin. Parang namumula ang balat n'ya dahil sa init pero alam kong huhupa ang lagnat n'ya mamaya dahil nakainom na s'ya ng gamot.

"Kasi----"

"Rereypin mo ba ako? Mga babae nga naman pag ganitong mahina kaming mga lalaki kukunin n'yo ang puri namin?" Napanganga ako dahil sa sinabi n'ya. Malat ang pagkakasabi n'ya pero nakakadagdag ito ng halina sa mukha n'ya.

At wao? Rereypin? Ang kapal naman ng mukha nito si Ser.

"Kapal naman po ng mukha n'yo. Anong rereypin porket naghubad lang rereypin na kaagad? Wao babae pa talaga ang mangrereyp sa lalaki no? Sarap ng buhay n'yo eh." Inikotan ko s'ya ng mga mata. Ang kapal ng mukha, kung hindi lang to amo ko matagal ko na 'tong sinapak.

"For the informal information Ser naghuhubad po ako kasi SINUKAHAN n'yo po ako. Kapal ng balat n'yo eh no?" Saad ko habang pinagpatuloy ang pagbibihis.

"Pahiram nalang ng t-shirt ser na?" Lumingon ako sa kanya pero nakatulog na pala ito.

Pumunta ako sa walk out closed n'ya. Ah basta yung may maraming mga damit. Kumuha ako ng malaking t-shirt ni at timings naman na naka short lang ako. Pagkatapos kong magbihis lumapit ako sa natutulog na si Ser. Umupo ako sa ibaba ng kama n'ya. Tumitig ako sa pagmumukha n'ya.

"Alam mo ser? Ang gwapo gwapo n'yo pero sayang ang sungit sungit n'yo. Bakit kaya pag malapit ka sa'kin at tumitibok ng mabilis ang puso ko ser? May sakit na ako sa puso? Siguro magpapadoktor na ako nito?" Humikab ako, anong oras na ba? 10:30 PM na pala kaya inaantok ako pero kailangan kong bantatan si Ser.

Humiga nalang ako sa tabi n'ya. Pramis ser, babantayan kita habang nakahiga ako. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang noo n'ya. Naku sobrang init parin hindi pa ata umepekto ang gamot. Tumayo ako at kumuha ng towel tsaka binasa ito. Inilagay ko ito sa ulo n'ya.

"N-no mom, p-please don't leave me. Precious please don't g-go." Precious? Anong pinagsasabi nito. Nakita kong parang nahihirapan si Ser na nagsasalita habang tulog.

"D-dad, M-mom, A-angel, P-precious don't leave me please." Nagsasalita parin s'ya.

Nanaginip siguro to ng masama. Lumapit ako sa kanya. Pag ako nanaginip ng masama kinakantahan ako ni nanay para mawala 'yun.

"Hhhmm hmmmm hmmmmm hmmmm hmm hmmm hmmmm hmmmm mmmm" Kumakanta ako habang hinahaplos ang braso ni Ser. Ang eksspresyon ng mukha n'ya ay parang nasasaktan parin kaya kumanta parin ako.

"Tinkle Tinkle liter stall hold I wonders what's your are ups about the word so high life a diary in the sky." Ang galing ko talaga, alam ko naman 'yun eh. Pumalakpak kayo para sa napakagaling na si Carnasyon Maria Zeil Batobalani. Nakita kong tumigil na ang nasasaktang ekspresyon ni Ser. Lumalalim na ang hininga nito indikasyon na natutulog na ito ng mahimbing. Pumunta ako sa gilid ng kama n'ya at humiga habang nakaharap sa kanya.

"Sleeps ser, goodnight."

Saad ko sabay pikit nang maramdaman kong may braso na dumantay sa bewang ko.

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum