CHAPTER 16

12.3K 357 39
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 16

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Nandito kami ngayon ni Ser sa sasakyan n'ya. Nakasimangot ako kasi kanina pa s'ya nagsasalita hindi ko naman naiintindihan.

"Look Carnasyon, what you did back there is dangerous. Who the fuck would chase a damn thief because she wanted to get her bag and her napkin in exchange for her earrings because she doesn't want the damn fucking thief think that she's poor!" Ang lamig ng boses n'ya pero may pag aalala?

Napagod ako sa pag translet kaya hindi nalang ako umimik, balakajan ser. Hindi kita naiintindihan. Bakit n'ya ba ako pinapagalitan? Tama naman ako ah! Baka isipin ng magnanakaw na pors ako kaya hinabol ko s'ya kasi ibigay ko nalang 'tong hikaw ko. Napanguso ako.

"Carnasyon! Look at me! Don't do it again okay!?" Napatingin ako sa kanya kasi bahagyang tumaas ang boses n'ya.

"Y-yes ser." Sumagot ako kahit hindi ko naiintindihan pinagsasabi n'ya.

"Are you okay? Are you hurt?" Tanong n'ya. Napansin kong parang napaka relative ni ser napansin n'yo? Napaka madaldal n'ya ngayon. Napaka relative talaga.

"Yes ser." Sagot ko ulit. Hindi jo naman naiintindihan pinagsasabi n'ya eh.

"Do want to rest?"

"Yes ser."

Natahimik s'ya pero maya ay nagsalita ulit.

"I wanna rest carnasyon so we will eat in my house first bago kita ihatid." Saad n'ya sabay tango tango. Ginaya ko ang pagtango n'ya.

"Yes ser." Tumingin s'ya sa'kin. Nandito nga pala kami sa backseat kaya nakita ko ang driver na nakatingin sa'min sabay ngiti ng nakaloloko sa salamin. Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"By the way Carnasyon, where's your father?" Tanong ulit ni ser kaya napatingin ako sa kanya pero nanatiling nasa harap ang tingin n'ya. Pagod ang betiful brains ko sa pag tranlet kaya sumagot nalang ako sa peyborit ko.

"Yes ser."

Napatingin s'ya sa'kin. Natataas ang makakapal na kilay sabay napahilot sa noo n'ya.

"I guess, hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko mula kanina right? And tumango tango kalang?" Napangiti ako ng hilaw sa sinabi n'ya kasi alam ko naman totoo.

"Jesus Carnasyon what will I do to you!" Ngumisi lang ako kasi hindi ko ulit naiintindihan.

"Ser bakit parang napaka relative mo ngayon?" Tanong ko sa kanya kasi nararamdaman ko talagang napaka daldal n'ya ngayon.

"Huh? Relative?" Ay nakaka dis corsage naman to si ser. Nakakahina ng loob ba? Relative lang hindi pa alam.

"Hays serious is you ser? Relative lang 'di mo alam? Relative ba ser yung madaldal! Ano ba 'yan ang bobo ng CEO na may ari ng halos lahat ng hotels sa Pilipinas." Kumunot ulit ang noo n'ya.

"Relative? Madaldal? Do you mean Talkative?" Nagkasalubong ang mga kilay n'ya at biglang napatawa.

"HAHHAHAHA relative? Madaldal? HHAHAHAHAHAHHA talkative 'yun at hindi relative HAHHAHAHAHA you're really funny HAHHAHAHA" Tawa s'ya ng tawa kaya napatingin ang driver sa'min. Katulad ng sekretarya ni ser para rin s'yang nakakita ng multo na nakating sa tumatawang tao. Kinilabutan ako bigla dahil baka may multo talaga!

Hala baka ang multo ay rito namatay sa sasakyan na 'to! Nakakatakot!

Napatingin ako sa tumatawang si ser kasi hinampas na n'ya ang upuan sa kakatawa. Edi mali ako! Ako na mali! Tao lang po ako!

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant