CHAPTER 28

10.7K 276 8
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 28

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Pinitik ni ser ang noo ko.

"Sino ang may sabi sayong ipapautang ko 'yan sayo ha?" Eh kung ganun ano?

"Weh? Alam ko na taktika na 'yan ser. Kunwari hindi ipapautang at ipapahiram lang tapos pag tapos nang gamitin ay pababayaran kasi nagamit na. Ano ba 'yan ser. Alam ko na 'yan eh."

Hinilot n'ya ulo n'ya at pumikit tila pinapakalma ang sarili.

Ano na namang nangyari rito?

Tumingin siya sakin na tila pagod na pagod.

"Carnasyon my Carnation, ibibigay ko 'yan sayo at hindi ipapautang. We're going on a date right now. Idedate kita."

Ha? Nabingi ata ako, totoo ba sinasabi n'ya? Siya at ako? Magdedate?

Baka jokems lang 'to kay ser? Katulad sa mga napapanood ko ngayon sa Youtube, kunwari magpopropose tapos may IZZAAA PRANKK lang pala sa huli.

Kaya ako ngayon ay hindi na naniniwala sa mga ganyan ganyan.

"Weh?" Sinutok ko braso ni ser. Shet antigas.

Hinuli n'ya kamay n'ya at dinala ako sa maliit na kwarto ng opisina n'ya.

B-baka rereypin ako nito? Teka hindi pa ako reyde.

Pinaupo n'ya ako sa kama n'ya at dahan dahang lumapit ang mukha sa akin. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

I-ito na ba? Matitikman ko na ba ang langit? Sawa na kasi ako sa dagat kaya siguro langit na naman ang ipapatikim sa akin.

Pumikit ako.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin labi ang dumikit sa akin.

Dumilat ako.

Nakita kong may kinukuha lang pala si ser sa likod ko.

Isang kahon rin, binuksan n'ya ito at tumambad sa mukha ko ang napakagandang sandals na kulay itim at napapalibutan ng makikinang na mga dyamante.

Bagay na bagay ito sa suot ko.

"A-akin din ito?" Nauutal kong tanong sa kan'ya.

Ngumiti si ser sa akin at tumango. Hinawakan n'ya ako sa mukha at nagsalita.

"Lalabas muna ako ngayon, magbihis ka jan at pagkatapos mo ay aalis na tayo. Ipapapasok ko si Jane rito para ayusan ka, kumatok ka lang pag lalabas ka na para mapapasok ko na si Jane." Yun lang ang sinabi n'ya at lumabas.

Kumatok? Saan ako kakatok, diba nasa loob na ako tapos kakatok ako para sa labas? Hehe minsan talaga walang utak si ser no?

Nagbihis nalang ako at pagkatapos ay kumatok ako galing sa loob.

Pumasok naman agad si Jane at inayusan ako.

"Hindi ka naman mahirap ayusan dahil natural kang maganda. Napaka ganda mo. Gandang Filipina." Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant