CHAPTER 15

12.2K 355 41
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 15

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

"Ikaw, hindi porket kaliwete si Ser Axel ay gaganyanin mo na s'ya! Ang kapal ng mukha panot ka naman!" Galit na galit kong saad sa kanya. Nakatitig ako sa mga mata n'ya habang nagsasalita ako.

Gulat na gulat s'yang tumingin sa akin at tinaggal ang mga kamay ko sa kwelyo n'ya.

"Who the hell are you!?" Parang umaapoy ang kanyang mga mata sa galit.

Gulat naman si ser Axel dahil sa ginawa ko kaya hindi s'ya naka reak kaagad.

A-at ano raw? K translet ko.

Who-sino the-ang hell-impyerno are-ay you-ikaw.

Sino ang inpyerno ay ikaw? Hindi ko ata naiintindihan ah. Baka ibig n'ya sabihin ay taga impyerno ako!? Ay napakasama nga nitong taong to.

Binagsak ko ulit ang kamay ko sa lamesa kaya napatingin ang mga tao sa kinalalagyan namin. Pero hindi, sobra ang kasamaan ng taong ito. Bumigat ang paligid parang nagkakaroon ng ulan.

"Stop it. You are making a scene." Pinatigil ako ni ser kaya tumahimik ako kahit hindi ko naiintindihan ang englis n'ya. Nanatili parin akong nakatitig ng masama sa lalaking panot.

"Is that your secretary Axel? She's an idiot, haha."

Kanina ko pa nakita parang laging nang uuyam ang lalaking panot kay ser Axel, sa bawat salita n'ya parang gusto n'yang mainis si ser Axel, pero nakikita ko naman na hindi naaapektuhan si ser Axel kahit ano pa ang pang iinis na ginawaga sa kanya ng matandang panot. Bagkus, pinapanatili n'ya parin ang kanyang nakakatakot at walang emosyon na mukha.

"She's out of everything Castomayor, don't involve her in our mess." Madiin na bigkas ni Ser Axel habang nakatitig ng seryoso kay panot.

Hindi ko na trinanslet kasi nabwibwisit ako sa pagmumukha ng panot na 'to.

"Hahahha, talaga ba? Zamaniego?"

"Hand me the files Carnasyon." Saad ni ser Axel sa'kin. Wala s'yang emosyon na tumingin sa akin kaya nagka undaguga akong kumuha ng mga papeles. Wari ay naintindihan ko agad ang kanyang sinabi.

"Here, all you just need to do is to sign this. We won't see each other again after this."

Kinuha agad nung lalaki ang mga papeles at pinirmahan, nanatili akong nakatitig sa kanya. At nang matapos s'ya ay napatingin s'ya sa'kin. Kumunot ang kanyang noo. Bakit pareha kami ng mga mata? Ang kulay at ang porma nito, parehang pareha talaga. Wari ay parang nagkakaintindihan kami sa mga titig namin sa isa't isa.

"That's enough." Naputol ang aming titigan nang magsalita si Ser.

Napapikit ako, parang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa pagtitigan namin ng lalaking 'yun. Parang may koneskyon kami? Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag.

"Let's go Carnasyon." Pagkatapos ayusin ang mga papeles ay tumayo na kami ni Ser.

Tumingin ako sa matandang panot na nakatingin din sa akin. Nakatitig s'ya at wari'y gusto gusto n'ya akong kausapin. Naglakad kami papalabas. Nadaanan namin ang mga babae kanina inirapan ko sila at narinig kong napasinghap sila dahil sa ginawa ko. Wala akong pakialam sa kanila, napakabobo nila.

"Mag usap tayo Carnasyon." Bigla akong hinawakan ni Ser sa kamay at dinala sa sasakyan, nasa parking lot na pala ito kasi pinarking ito ng driver.

"A-ano po?"

"Wh-Anong ginawa mo kanina? Magpaliwanag ka." Madiin n'yang pahawag, parang galit s'ya. Kitang kita ko sa mga mata n'ya na may mga gusto s'yang sabihin pero 'di n'ya magawa.

"B-bakit po? Pinagtatanggol lang kita, hindi porket kaliwete ka ay may karapatan na s'yang bastusin ka! Al---"

"Can you please shut up!?" Napatalon ako sa pagsigaw n'ya. Natatakot ako sa reaksyon n'ya. Parang galit na galit s'ya at gusto n'ya akong suntukin.

"Bakit nga ba ikaw ang pinalit ko sa kanya kahit ngayong araw lang? Hindi ka nga naman nakapag aral hindi mo nga naiintindihan ang english. Bakit nga ba ang bobo at walang pinag aralan ang dinala ko sa importanteng araw na 'yun!? Muntik mo nang sinira ang lahat!"

Naramdaman ko nalang na tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi n'ya, b-bobo? W-walang pinag aralan? Masakit kasi alam ko, totoo ang lahat ng paratang n'ya. Sa lahat siya pa ang magsasabi sa akin ng mga salitang 'yan? Oo nga naman P.A n'ya lang ako.

Para s'yang natauhan pagkatapos n'yang makita ang mga luha ko.

"C-Carnasyon, I-Im---"

"Okay lang Ser, tanggap ko naman po. Pasensya na po kanina ha? Gusto ko lang naman po na ipagtanggol kayo kasi yun po ang naintindihan ko. Sorry po."

Humihikbi ako habang nanghihingi sa kanya ng pasensya. Tama naman s'ya, napaka bobo ko.

"N-no I'm sorry, nabigla lang ako. Sorr---"

Sawakan n'ya sana ang mukha ko pero umiwas ako.

"Hindi ser, tama ka bakit nga ba ako na bobo at walang pinag aralan ang dinala mo sa ganito, importante po yun ser tapos ang taong ganito lang ang dinala mo. Sorry po." Pinahiran ko ang mga luha ko.

Parang may gusto s'yang sabihin, ang mga mata n'yang mayroon ng konting emosyon ngayon.

"Sige po, mauna na ako. Salamat." Naglakad ako paalis, ang hirap pigilan ng mga luha ko, namamalat ang lalamunan jo sa kakapigil ng luha ko.

Tawang tawa ako sa sarili ko, P.A lang ako. Inaamin ko, umaasa ako dahil sa mga pinapakita n'ya kasi sabi ng sekretarya n'ya ako lang daw ang ganun.

Naglakad ako palabas ng parking lot. Bahala na si Batterman, maglalakad nalang ako.

Mukha akong mayaman dahil sa suot ko, may dala pa akong maliit na bag.

"Akin na 'to!"

Napasigaw ako, may biglang humablot sa bag ko! Wala namang laman 'yun maliban sa napkin ko!

Oo may napkin dun kasi meron ako ngayon! Nakakahiya sa magnanakaw baka sabihin n'ya pors ako!

"Magnanakaw teka langgg!" Hinabol ko s'ya, pumasok s'ya sa parking lot.

Tinaggal ko ang sandal ko na suot dahil sagabal sa pagtakbo ko. Nakakahiya 'yun kung sana itong hikaw ko nalang ang kinuha n'ya diba? Mahal to pag ibenenta! Pinahiram lang kasi 'to ng bakla. Sabi n'ya ingatan ko raw 'to dahil mahal to.

"Magnanakaw snatterr! Bumalik ka!" Sigaw ko sa tumatakbong magnanakaw. Nang malapit ko na s'yang tinapon ko sa kanya ang isang sandal na dala ko kaya natamaan ito sa ulo.

"Carnasyon what happened!?" Humahangos na lumapit sa akin si Ser. At base sa translet ko ay nagtatanong siya kong ano ang nangyari.

"Ser! Ang magnanakaw na 'yan ninakaw ang bag ko!" Sabi ko sabay turo sa magnanakaw na kasalukuyang tumatakbo na naman dala ang bag ko.

"May importante ba doon?"

"Wala naman ser, isa lang ang laman dun hindi pa importante." Humihingal kong saad.

"Bakit mo pa hinabol kong hindi paka importante?" Nagtataka n'yang saad sabay kunot sa noo n'ya.

"Kasi ser, naawa ako. Napkin lang ang laman nun. Gusto kong ito nalang ang hikaw ko ang kunin n'ya baka kasi sabihing pors ako hehe." Saad ko sabat ngiti sa kanya.

"Damn you."

********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

Lobes if you wanted to read some one shot stories, you can add my facebook account, it's my writing account po. Marami ng stories ang nandun. Just add Red Darmstatdium.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now