CHAPTER 7

14K 342 17
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 7

CARNASYON MARIA ZEIL'S POV

Nakahawak sya sa pisngi nya at di makapaniwalang nakatingin sakin.

"Anong problema mo!?" Sa wakas nagtagalog na din! Saka anong problema ko!? Aba't ulol to! Ako pa talaga tinanong!?

"Buti naman nagtagalog ka na PO, saka ako pa talaga ang may problema? Diba ikaw PO yun?" Naguguluhan syang tumingin sakin.

"Anong ako?" Umirap ako.

"Bakit kasi pinagpilitan na Watt ang pangalan ko!?" Naiinis kong saad sa kanya. Di nga ako si Watt! May nem is Carnasyon Maria Ziel Batobalani da girl betiful!

"What?" Abat!

"O tingnan mo na! Sinabi mo na namang si Watt ako! Suntukan nalang tayo!?" Tumayo ako sabay astang makikipag suntukan. Kanina pa to eh! Kanina pa ako iniinis nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Aba't! Bakit ang bobo nya!? Bakit!?

"Koya di PO Watt ang pangalan ko PO Carnasyon PO! Kanina mo pa pinagpilitan na Watt ang pangalan ko! Sabi mo, Watt es yur nem! Di PO Watt ang pangalan ko okiy? Carnasyon PO CARNASYON!" Habang nagpapaliwanang ako nakatitig lang sya sakin hanggang sa humalakhak siya. Ang lakas ng halakhak, napahawak pa sya sa tyan nya.

Sinisipat ko sya habang tumatawa sya. Isa siguro to sa mga nakahithit. O baka nademonyo!? Hala! Wala pa naman akong dalang panlunas!

Hindi nagtagal ay tumigil na siya sa katatawa pero nakahawak pa din sya sa tiyan nya na parang pinipigilan ang kanyang pagtawa.

"You thought I insisted that WHAT is pffttt hahahaha your name? Pft I can't believe this hahahhaha tang!na haha you are funny haha." A-ano daw ulit?

Mag translet na nga lang ako. Ang you-ikaw, thought-pag-iisip, I-ako, insisted-igiit, that-na, Watt, is-ay, your-iyong name-pangalan I-ako, can't-hindi maari believe-maniwala this-Ito.

Ikaw pag isiip ako igiit na Watt ay iyong pangalan ako hindi maari maniwala ito? Taena!? Anong ibig nyang sabihin!? Alam ko namang di mali ang pagtatranslet ko ang genius genius ko kaya!

Tinignan ko sya ng mariin. Ako pa talaga ang pinagloloko ng lakaking ito!? Porket gwapo ay ay ginaganito na ako! Aba di ako papayag! Akala nya sya lang ata marunong mag ingles!? Pwe mas magaling ako kaysa sa kanya!

"Tumigil ka sa katatawa! Yu nat laugh laugh at me yu yu egly boi! Yu dunt dunt laugh laugh at me ur ils aym guing to suntok suntok yu!" Tumigil sya sa katatawa nya kanina at tumitig sakin hanggang sa humalakhak ulit sya.

"Bwahahahaha shit! You are funny pftt bwahahahaha your accent pft I really can't believe this fvck bwahahahahaha" Kasalukuyan lang akong nakatitig sa kanya habang humalakhak sya. Ano bang problema nya!?

"Tumigil ka na nga pwede ba!? Isang isa na lang at bubugbugin na kitang hayop ka!" Galit na galit kong sigaw sa kanya. Di ko na mapigilan ang aking poot dahil sa labis nyang pang aalipusta sa aking pagkatao.

Tinaas nya ang kanyang mga kamay na parang sumusuko pero makikita parin ang ngisi nito.

"I'm sorry miss--"

"Wag kang mag ingles! Di kita naiintindihan!" Pinipigilan nya ulit ang tumawa dahil sa sinabi ko. Galit na galit na ako. Gusto kong suntukin ang kanyang gwapong mukha.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora