CHAPTER 23

11.7K 345 16
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 23

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Paano ba manligaw?

Yan ang nakatatak ngayon sa utak ko kailangan kong turuan si englishero/masungit na ser ko kung paano manligaw. Ang tanda tanda na pero hindi pa marunong.

Pero bukas na ako magsisimula, ngayon papasok muna ako sa trabaho. Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos ng pangyayaring 'yon sa bahay ni Ser.

Dalawang araw rin s'yang absent sa trabaho n'ya kasi may sakit pa raw.

At dahil P.A n'ya ako iginigiit kong ako nalang ang mag alaga sa kanya habang may sakit pa s'ya pero sabi n'ya wag daw kasi maabala lang ako at hindi naman tanto sobrang sakit ng katawan n'ya.

Pumasok ako sa opisina at dahil wala si Ser si Jean nalang ang nag uutos sa akin, hindi naman mabigat na mga trabaho okie pa nga pag siya eh pero nakita ito ni Eloisa.

Si Eloisa ay isa sa mga may gusto ata kay ser Axel sa opisina, pag dumaan si Ser halos tumulo na laway n'ya.

Ako ang napag-initan n'ya kaya ang daming iniutos. Halos gawin na n'ya akong alila pero wala naman daw akong karapatang mag reklamo dahil sinuswelduhan ako ng kompanya.

Ang tagal naman kasi ni ser, mess ko na s'ya.

Nasa labas na ako ng opisina ni Ser, magwawalis nalang ako sa loob o di kaya maglinis.

Binuksan ko ang opisina n'ya at nagulat ako sa nakita.

"Wahhhhh serrr! Your not backkkk!" Ang saya saya ko. Nandito na si ser. Bumalik na s'ya, binalikan n'ya ako.

Tama talaga si Lea sa On the wings of love na, "Pag mahal ka babalikan ka."

Ang saya saya ko dahil bumalik na si Ser sa trabaho at parang mas lalong gumwapo s'ya ngayon.

Noon, kapag papasok ako sa opisinang ito nakasimangot na Ser ang bumungad sa akin pero ngayon hindi na. Nakangiti na s'ya.

Tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan ang noo n'ya.

"Wala ng init magaling ka naaaa!" Napapasigaw ako sa saya. Ang saya saya ko.

Halos lumundag ang puso ko kanina noong nakita ko ang kulay abo n'yang mga mata.

"Carnasyon, I have something for you."

Hindi ko naiintindihan ang sinabi n'ya kaya ngumiwi nalang ako at naghintay sa sunod n'yang gagawin.

May kinuha s'ya sa likod n'ya. Hindi ko ito nakikita dahil natakpan ito ng katawan n'ya.

"Here." Isang palumpon ng bulaklak.

Iba ibang klase ng bulaklak pero halos kulay lila lahat.

Ngumiwi ako.

"Para saan 'yan ser? Patay na ba ako?" Saad ko, kasi naman si Ser napaka ano.

Bakit kulay lila lahat 'yan tsaka mamahalin pa!?

Ano ako patay na?

Napalaki ang mga mata ko sa naisip.

"Hala!? Patay na ako tapos ikaw lang nakakakita sa akin!? Paano ako namatay!? Sabihin mo! Paano na sila nanay at bunso!? Saan ang katawan ko ngayon ser!? Nasagasaan ba ako? Nahold-up? Bakit wala akong maalala!?"

Inilagay ni ser ang mga bulaklak sa lamesa n'ya at hinilot n'ya ang kanyang ulo. Parang naiistres ata s'ya sakin.

"Kalma, hindi ka pa patay." Mahina ang boses n'ya habang nakayuko.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now