CHAPTER 40

12.3K 336 16
                                    

WRITTEN BY

MissteriousGuile

CHAPTER 40

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Ang daming nangyari sa akin, mga pangyayaring hindi ko lubos maisip na mararanasan ko. Galing ako sa mahirap na pamilya, naging utusan ng isang kilalanh bilyonaryo, niligawan at ginawang kasintahan pero hindi naglaon ay sinaktan dahil hindi sapat sa kanya, nalamang hindi pala tunay na anak ng kanyang kinikilalang tunay na mga magulang, nakilala ang totoong pamilya at naging mayaman.

"Baby pumunta kana sa baba kakain na ng agahan." Mahinang bulong ni Kuya Xeno sa tenga ko. Umungol lang ako bilang tugon.

Ilang minutong lumipas, wala na akong naririnig kaya bumalik ako sa pagkakatulog nang biglang may kumiliti sa tagiliran ko. Napabalikwas ako at sinapak ang taong pangahas.

"Hala kuya Xeno sori! Ikaw kasi eh! Bakit ka kasi biglang nangiliti jan!?" Galit kong saad habang pinupunasan ang mga mata ko. Baka may muta pa.

Nakita ko namang ngumiwi s'ya at hinimas himas ang braso n'ya, 'yan siguro ang parteng tinamaan ko.

"Masakit ba kuya?" Tinulungan ko nalang s'ya. Ngumuso naman s'ya sa'kin.

"Sori na kassii!" Ngumuso ako nag pakyut sa kanya. Baka gumana.

Tinaasan n'ya ako ng kilay habang nakahimas parin sa braso n'ya mas ngumuso ako. Tinaas n'ya ang dalawang mga kamay n'ya tanda ng pagsuko.

"Okay fine you win Ammara! Tara na nga, maghilamos kana at bumaba para makakain. Naghihintay na sila sa baba." Lumabi ako at tumango sa kanya.

Humiga muna ako saglit saka tumayo, pumasok ako sa CR at naghilamos. Nagmugmog ako at nag toothbrush. May sariling CR ang bawat kwarto rito sa mansion. Habang ang bahay namin noon ay isang palapag lang. Naalala ko sina nanay, kailangan ko silang balikan doon. Kahit may tampo ako sa kanya dahil sa pagtago n'ya sa'kin ng katotohanan ay mas nanaig ang pagmamahal ko sa kanila. Kaya ko nga gagawin ang lahat para sa kanila at ngayon kaya ko na.

Isang linggo na magmula noong dito na ako tumira sa bahay ng aking tunay na pamilya, tinuring nila akong tunay na prinsesa at binibigyan ng kahit anong nais ko. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari 'to sa'kin dahil mahirap lang naman kami nila nanay.

Kailangan kong kunin sila nanay. Hindi na nagsampa ng kaso si Papa dahil matagal nang patay si tatay. Sinabi n'yang kakalimutan nalang ang lahat at magsimula ng bago dahil nabalik na ako sa kanila. Minahal naman ako nila nanay eh.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, bumaba na ako at kumain ng agahan kasama sila. Nakaupo si papa sa unanahan habang magkatabi kami ni Kuya Xeno, nasa harap namin sina Kuya Icarus, Achilles at kuya Archer.

"Xeno, what happened to your mission?" Seryosong saad ni papa. Napatigil sa pagkain si Kuya Xeno. Naguguluhan akong tumingin sa kanila kasi hindi ko naiintindihan.

"Father, can we stop talking about this? Our baby is infront she's not ready in our world." Marahan pero seryosong saad ni kuya Icarus na tumingin pa sa akin at ngumiti.

"Alright." Sagot nalang ni Papa at sumubo ng pagkain.

May naalala ako, si nanay.

"A-ah papa? P-pwede po bang mag r-requires?" Napakunot ang noo ni papa.

Kinakabahan ako, si papa ang tipo ng tao na may aura na nakakatakot. Para s'yang hari na hindi dapat salungatin.

"Hm? Requires?"

Ano ba naman 'to si Papa? Ang tanda tanda na hindi pa alam ang requires. Kahilingan lang hindi pa alam?

"Papa? Kahilingan po ang requires. Ano ba naman 'yan papa." Napa tsk ako.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя