CHAPTER 30

11.2K 289 5
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 30

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Galit na lumingon sa amin ang babae. Tumaas ang kilay n'ya habang nakatingin sa akin pero nang mapadako kay ser ay para s'yang naging tuod.

Halos mag hart na ang mga mata n'ya kakatingin kay ser.

"H-hi, I'm Mika and you are?" Bigla n'yang saad.

Gusto n'yang makipagkamay kay ser ngumit hindi man lang s'ya pinansin ni ser kaya nahihiya s'yang nagbaba ng kamay.

"S-ser?" Hindi ako pinansin ni ser at nanatili lang s'yang nakatitig kay Mika.

Maganda si mika, mas matangkad sa akin at mas maputi. Para s'yang koryana dahil sa balat n'ya.

Napakapula ng mga labi n'ya at napaka sexy n'yang tingnan sa suot n'yang kulay gray na hanggang tuhod na dress. Hapit na hapit ito sa katawan n'ya at kitang kita ang malalaking hinaharap ng dalaga.

Kaya hindi ako magtataka kung magkagusto si ser dito sa isang tingin lang.

"Ser?" Ulit ko at hinawakan ang kamay n'ya.

Magsadalita na sana ako nang tinanggal n'ya ang hawak ko sa kamay n'ya. Napadako ang mga mata doon ni Mika kaya nginisihan n'ya ako.

Naglakad palapit si ser sa babae na s'yang ikinadurog naman ng puso ko.

Napakalaki ng mga ngiti ni Mika nang makita n'yang naglalakad palapit sa kanya si ser aalis na sana ako kasi alam kong maiitchapwera lang ako nang makarinig ako ng daing.

Napalaki ang mata ko sa biglaang paghugot ni ser sa dress na hawak ni Mika. A-akala ko ba?

"What!?!" Nabibiglang saad ni Mika.

Pati nga rin ako nabigla dahil sa ginawa ni ser.

Binigay n'ya sa akin ang dress at hinila ako paalis para magbayad.

"Fuck you all! Don't you know me!? I'm the child's owner of this mall!"

Napatigil ako kaya napatigil din si ser. Patay na.

"Fuck you! Guard! I want them out of my mall!" Bumalik si ser sa babaeng nagsisigaw.

Nakakuha na kami ng atensyon dahil sa eskandalo ng babaeng 'to.

Akala ko ba pag mayaman edukada? Bakit parang kinulang ata sa edukasyon ang babaeng ito

"What's your father's name?" Seryosong saad ni ser.

Napalunok nalang ako, kapag seryoso si ser hindi s'ya naaawa sa mga tao. Gusto n'ya na ang gusto n'ya ang masusunod.

"He's Maiko Marcelo, a famous businessman. He will crush you two into pieces if he will know about this!" Sigaw ng babae sa amin saka pinagduduro kami.

Hindi natinag si ser sa inasta ng babae bagkos ay kinuha n'ya ang kanyang telepono at may tinawagan.

"Jane? Pull out all our investment to Maiko Marcelo and ohh by the way if we will pull out our investments his business will go bankrupt right?" Saad n'ya sa kausap n'ya sa telepono.

Nakikita kong namutla ang babae. Siguro masama ang sinabi ni ser sa kausap kasi parang natatakot na ang babae eh.

"And by the way, in just 1 hour dapat nabili na 'tong mall na kinatatayuan ko ngayon. Bye."

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora