CHAPTER 14

12.6K 354 36
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 14

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Lumapit ako sa babae, nakataas ang mga kilay ko habang naglalakad palapit sa kanila. Kasi naman, bakit ganun? Ang bobo nila eh.

"Look girl oh, ang kasama ni Axel babylove mo." Itinuro ako nung babae. Tinaasan ko lang sila ng kilay, when there them don't can't respiratory ser Axel! Mga walang hiya! Ni hindi man lang nirespeto si Ser Axel! Ang sasama ng mga ugali nila!

Dumukwang ako sa mga lamesa nila at tiningnan ng masama ang lahat.

"Mga walang modo, paano n'yo nasasabing secret lang? Mga bobo ba kayo? Bakit n'yo pinarinig sa amin ha? Hindi n'yo ba alam na napahinto kami dahil sa secret na 'yan tapos naririnig pala namin!?" Mariin kong saad sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nanggigigil ako habang nakatingin sa kanila.

Mahabang linyata ko at umirap sa kanila.

"At ikaw babae ka, hindi kaba nahihiya sa pagmumukha mo? Tingnan mo ang labi mo parang sinampal ng ilang libong bakla dahil sa sobrang pula. At ang mukha mo oh? Ang dugyot." Mariin kong saad sabay titig sa kanya.

"Walang tatawag na babylove sa kanya maliban sa asawa n'ya. Naiintindihan n'yo?"

"Bakit? Sino kaba? Ba't ka ganyan umasta? Alalay kalang naman ng babyloves ko ah." Nagmamalditang saad ng babaeng makapal ang mukha. Sarap ilublob sa inidoro.

"Ang sabi ko walang tatawag na babyloves sa kanya maliban sa asawa n'ya, at ako 'yun." Tumitig ako sa mga mata n'ya.

"Naiintindihan mo?" Ulit ko.

"O-oo." Parang takot na takot s'yang tumango habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ngayon, aalis na ako mga binibini. Ngayon naman alam n'yo na siguro ang kaibihan ng secret diba?" Ngumiti ako ng matamis sa kanila sabay tayo.

Kita ko ang pamumutla sa mga mukha nila. Parang nakakita ng demonyo, sa ganda kong 'to matatakot sila? Ang kakapal ng mga mukha ah.

Pero aminin! Ang galing galing ko! Nakita ko lang 'yan sa TV at ginaya ko BWAHAHAHA. Naglakad ako papalapit kay ser na manghang nakatingin sa'kin. Hanggang hanga s'ya sa akting ko. 

Dapat na siguro akong mag artista nito. Ang galing galing ko kanina! Siguro pag artista na ako sisikat ako! Tapos makakatambal ko ang mga lalaking may abs, extend na akoo! Extend diba yung sobrang natutuwa ka para sa darating na araw?

"Ano ser? Ayos ba akting ko?" Kumindat ako kay Ser.

Ngumisi lang s'ya sabay tingin sa relo n'ya. Nagbago ulit ang kanyan anyo, naging malamig ulit.

"Let's go, we're late." Naiintindihan ko naman ang sinabi n'ya. Late na kami.

Ang salitang late ay ang palaging sinasabi sa akin ng aking guro kapag ako ay huling dumating sa klase.

Nauna s'yang maglakad.

"I'm proud of you, I wanna make you my wife someday." Bulong n'ya. Hindi ko masyadong narinig kasi mas nauna s'ya sa'kin.

"Ano po ser?"

"Wala, dalian mo."

Para akong robot na biglang napunta sa gilid n'ya. Dalian daw eh.

"Good morning Sir."

"A reservation under my name, Ezekiel Zamaniego." Malamig n'yang saad sa waiter na lumapit sa kanya at kumausap.

Nakita kong napalunok ang waiter at tila takot na nakatingin sa kan'ya. Dahil siguro 'yun sa malamig n'yang tinig.

"Y-you're Ezekiel Zamaniego Sir?" Utal na saad nung waiter.

"Do I need to repeat what I said?" Ang sungit nang pagkakasabi ni Ser sa waiter kaya mas natakot ata ang waiter.

"N-no s-sir I'm sorry, this way po." Ginabayan ng waiter kami ni Ser papunta sa lamesa na para sa amin.

Alanganin na ngumiti sa akin ang waiter. Kita kong natakot s'ya kay Ser. Nakakatakot naman kasi si Ser eh, isama mo pa ang makakapal n'yang kilay na halos magkasalubong na.

May nakaupo na matanda sa lamesa na para sa'min. Lumingon ito. Napaka gwapo kahit may edad na ito at ang kanyang mga mata. Parang katulad ni Ser ay wala narin buhay.

Umupo na si Ser kaya umupo narin ako sa bakanteng upuan tabi n'ya. Nakakatakot naman dito para silang magpatayan.

"You're late Mr. Zamaniego."

"I'm sorry Castomayor, I got into trouble along the way." Matigas na saad ni Ser sabay sulyap sa'kin.

Parang nagdudugo na ata ang ilong ko. I tatranslet ko nga to.

I'm- ako ay, sorry-pinagsisisihan Castomayor, I-ako, got-nakakuha, into-sa, trouble-gulo, along-sa tabi the-ang way-paraan.

Ako ay pinagsisihan Castomayor, ako nakakuha sa gulo sa tabi ang paraan!?

Hala! Nagdodroga ba 'to si Ser!? Nakuha n'ya sa gulo ang paraan!? Ang sama!

Masama ko siyang tinitigan. Bakit s'ya ganun, may gulo pala kanina kaya nakakuha s'ya ng paraan pero hindi ako sinabihan!?

"You're still useless Zamaniego, you're an impotent child of your parents that's why they left you." Saad 'nung lalaking matanda. Inuuyam n'ya si Ser sa tono ng kanyang pananalita.

Mas nawalan ng emosyon si Ser at nginisihan ito. Magtranlet nalang ulit ako para may maintindihan naman ako.

You're-Sa iyo ay still-pa rin useless-walang silbi Zamaniego, you're-sa iyo ay  an-isang impotent-walang kaya child-anak of-ng your-iyong parents-magulang that's-na ay why-bakit they-sila left-kaliwa you-ikaw.

Sa iyo ay pa rin walang silbi Zamaniego, sa iyo ay isang walang kaya anak iyong magulang na ay bakit sila kaliwa ikaw.

Ang ibig bang sabihin ng matandang ito na walang silbi ang kanang kamay ni Ser kaya kaliwa ang gamit n'ya? Madiin kong tiningnan ang matandang lakaki. Hindi porket kaliwa ang gamit ni Ser ay aawayin na n'ya ito. Napakasama ng ugali.

"Stop using what happened to me in the past. That won't work trust me. Now, let's just sign the papers, I don't like your presence Castomayor." Saad ni ser sabay nginisihan ang matanda.

Alam kong parang chill lang si Ser pero alam ko sa loob nito galit na galit na. Nagdodroga pa naman ito kaya iba ang takbo ng utak.

Hindi ko na itatranlet ang sinabi ni ser dahil alam kong tama ito kaysa sa pinagsasabi ng matandang panot na 'to.

"Are you sure Zamaniego? Hm? You're still funny and an idiot." Inuuyam parin si ser ng matandang panot na ito. Nanggigil na ako.

Are-ay you-ikaw sure-sigurado Zamaniego? Hm? You're-sa iyo ay still-parin funny-nakakatawa and-at an-isang idiot-tulala.

Ay you ikaw sigurado Zamaniego, hm? Sa ito ay parin nakakatawa at isang tulala.

Sinasabi ba ng matandang panot na ito na kaya tulala si ser dahil kaliwa ang gamit n'ya sa pagsusulat at sigurado na s'ya!?

Galit na galit akong napatayo at pinalo ang lamesa.

"Wala kang karapatang pagsalitaan si Axel ng ganyan matandang panot." Gulat s'yang napatingin sa akin at napatitig sa mga mata ko. Kasabay ng pagtitig n'ya ay ang paghawak ko sa kwelyo n'ya.

********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now