Bat parang galit pa 'to?

"Bat sa chuckie ka lang naka focus, jowa mo ba yan? Di mo ko pinapansin nagseselos na ko" dagdag pa niya na ikinatawa ko.

"Huwag mo kong tawanan"

"Bat parang galit ka? Dapat ako yung galit dito ah" reklamo ko sa kanya kaya biglang umamo yung mukha niya.

"Eh kasi... sorry na nga" pacute pa ulit niyang sabi.

"Explain"

"H-ha?"

"Explain mo yung nakita ko kagabi" sigaw ko.

"Kakauwi lang kasi ni Tan kaya nagyayang mag-inuman—"

"Bakit di ako inimbita?" putol ko.

"Kasi—"

"Kasi maraming babae kaya bawal ako?" putol ko ulit.

"Hindi naman sa ganun—"

"Anong hindi? Eh ano yung nakita ko kagabi?"

"Babe—"

"Sa Cr patalaga ha? Bakit di nalang kayo nag motel para hindi kayo mahuli"

"Eh kasi—"

"Kasi para madali? Ano? Kating kati na? Hindi mo nagawa saakin kaya sa iba mo ginawa, ganun ba?" sigaw ko. Bigla siyang natahimik.

"Ano? tama ako no?" dagdag ko.

"Hindi ganun—"

"EH ANO NGA?" galit na sigaw ko.

"Makinig ka kasi muna, lagi mo nalang pinuputol yung sasabihin ko eh. Kaya nga ako nandito para mag explain pero inuunahan mo agad ako." natahimik ako sa biglang reklamo niya kaya nagpatuloy siya. "Umuwi si Tan—"

"Alam ko na yan—"

"Makinig ka kase muna puro ka singit di mo ko pinapatapo—"

"Patuloy mo na daming satsat" putol ko.

"Yun nga, umuwi si Tan—"

"tss"

"—galing Japan. Nagyayang uminom, hindi ka agad nasabihan kasi gabi na nung nakalapag yung eroplanong sakay nila. Pagdating ni Tan eh agad nagyaya kaya dika nasabihan. Boys only lang—"

"Boys pero may girls? Ang galing" singit ko.

"Hindi ko alam na may babae pala dun—"

"Di mo alam pero may babae ka, sa Cr pa mismo"

"Hindi ko yun babae okay? Nag Cr ako tapos nagulat nalang akong may babaeng sumunod sa akin. Yun pala namali siya ng pasok dahil sa kalasingan. Inalalayan ko siya palabas baka mabastos kasi ang dami naming lalaki sa loob. Paglabas namin ay nakita kita—"

"Eh bat may lipstick ka sa gilid nag labi mo?"

"Dare yun" sagot niya.

"Anong dare?" taka kung tanong.

"Eh kasi nga nag-inuman kami. Para daw masaya eh nag truth or dare sila. Sumali nalang ako baka matawag pakong Kj. Ang dare sa akin ay lagyan ng lipstick yung labi ko pero di nagtagal ay tinanggal ko na dahil alam ko pag nakita mo yun ay kung ano na namang pumasok sa isip mo. Pero di ko alam na may natitirang lipstick pa pala" di ako nakapagsalita matapos ng mahabang explanation niya.

Ang tagal kong nakatulog kagabi dahil kung ano-ano yung iniisip ko about sa nangyari yun pala mali yung hinala ko.

Ang tanga mo joyce. Kawawa naman yung baby ko.

"I'm sorry" sabay naming sabi.

"Hindi, ako dapat magsorry kasi kung ano ano yung iniisip ko. Sorry babe" bawi ko.

"Okay lang, kasalanan ko rin kasi di ako nagpaalam sayo" sabi niya sabay yakap sakin "Happy monthsarry" napatakip ako sa bibig ko ng marinig ko yung huli niyang sinabi.

"Bakit?" tanong niya ng paramdaman ang pagkagulat ko.

Monthsarry namin ngayon?

"Ha? W..wala. Wala" deny ko.

"Hindi mo ako babatiin pabalik?" kita ko sa mukha niya ang pagkainis ng kaunti.

"Hindi, sabi ko. Happy monthsarry, babe" sabi ko sabay pacute, umepekto ka sana please.

Tiningnan niya ako ng maigi na parang sinusuri ang aking mukha. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawa kung siko kaya napatingin ako sa kanya.

"Yung totoo?" biglang sabi niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"H..ha?" patay!

"Nakalimutan mo?" seryoso niyang sabi. Hindi mo malaman kung naiinis ba siya o galit na.

"Hindi ahh" bawi ko agad "Nagulat lang ako kasi... kasi...—"

"Kasi?" putol niya.

"Kasiiiii.... Kasi ang tagal na natin. Diba?" agad na sabi ko. hayst.

"Ilang month na ba tayo?" seryoso paring tanong niya.

"Ha? ahhh... ehhh"

isip.. isip... last month 6, so 7 na kami ngayon.

"Ah, sev—"

"Alam ko" putol niya

"Ha?" naguluhan kung tanong

"Alam kong nakalimutan mo" agad niyang sabi kaya napayuko ako.

Ang tanga mo joyce. Monthsarry niyo nakalimutan mo.

Napatingin ako bigla sa kanya ng tumayo na siya.

"Sige alis na ko" sabi niya at tinalikuran ako kaya agad akong tumayo para yakapin siya patalikod.

"Sorry, babe" sabi ko sabay subsub ng mukha ko sa likuran niya.

First time nangyari to, na nakalimutan ko. I'm sorry. Ang tanga ko talaga. Mahihirapan ako nito, ang hirap pa namang suyuin nito talo pa yung babae.

To be continued . . .

The Innocent RevengeKde žijí příběhy. Začni objevovat