"Ano?"

Pumikit ako ng mariin.

"W-wala na po kami ni Axel."

"Ano!?" Tulad ng inaasahan ko ay nagulat si nanay. Hindi siguro s'ya makapaniwala na ang lalaking nangakong alagaan ako ay ang lalaking pumunit sa puso ko.

"A-anong nangyari? Bakit? Sino nakipaghiwalay?" Sunod-sunod n'yang tanong.

Mahabang paliwanagan 'to.

"Ako po ang nakipaghiwalay nay-----" Napatigil ako sa biglaang pagsigaw n'ya. "Ano!? Gago kaba!?"

"Grabe nay! Kailangan sumigaw!?" Natahimik naman s'ya at humingi ng paumanhin.

Bumuntong hininga nalang ako at nagsimulang magkwento.

"N-nay niloloko lang po ako ni Axel nay pinaglalaruan lang po n'ya ako." Tumalikod ako at tumingala ulit para tingnan ang mga bituin sa langit.

"A-anak? Paano? Anong nangyari?" Hindi makapaniwala n'yang sambit.

"Nay, may nobya po sa ibang bansa si Axel at bumalik na po ito nay. Pinaglaruan lang n'ya ako kasi bobo ako at natatawa s'ya sa'kin. Hindi n'ya ako totoong mahal nay." Tumulo ulit ang mga luha ko habang naaala s'ya.

"Ngunit paano nangyari anak? Mahal---"

Pinutol ko s'ya.

"Nay hindi n'ya po ako mahal. Isang utusan, P.A at alalay lang ang tingin n'ya sa akin nay. Ang sabi n'ya pa bakit s'ya magkakagusto sa isang taong kagaya ko?" Humagulgol ulit ako.

"Nay tanggap ko na, bobo ako nay, wala akong pinag-aralan at mahirap ako kaya walang magkakagusto na katulad ni Axel sa akin. Isa lang akong dumi kung ikukumpara sa nobyo n'ya nay."

Narinig ko ang impit na iyak ni inay kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit po kayo umiiyak?" Hindi n'ya ako sinagot. Humagulgol na lamang s'ya at niyakap ako.

"Patawarin mo ako anak patawad kasi kung hindi dahil sa akin ay hindi nagkakaganito ang buhay mo! Patawarin mo ako anak." Naguguluhan ako sa kanyang sinabi.

"May kinalaman po ba kayo sa biglaang paghiwalay sa akin ni Axel nay? Ikaw ba ang dahilan?" Agaran kong tanong sa kanya.

Iniisip kong baka pinagbantaan n'ya si Axel kaya ako hiniwalayan. Pero hindi naman yun gagawin ni nanay diba?

"Hindi anak, dahil sa pagtago ko sayo ng katotohanan ay naging ganito ka. Patawarin mo ako." Humihingi s'ya ng patawad habang humahagulgol. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko s'ya naiintindihan.

"Nay? Anong katotohanan?" Gulong gulo na ako sa mga nangyayari.

"Hindi kita tunay na anak." Halos mawalan ako ng malay sa narinig ko galing sa kanya. Hindi n'ya ako tunay na anak? P-paanong nangyari yun?

"Wag po kayong magbiro sa akin ng ganyan ano ba kayo nay haha."

"Anak totoo ang sinasabi ko, sana ay patawarin mo ako. Ikaw ang anak nina Quennie and Arjo Castomayor anak. Nag-iisa nilang anak na babae." Para akong nawala sa katinuan sa sinabi ni nanay.

Hindi ko lubos maisip, ako anak ng iba? Ang daming katanungan sa aking isipan.

"K-kung totoo 'yan bakit ako napunta sa inyo nay?" Hindi parin ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Makapangyarihang pamilya ang Castomayor anak, marami silang ari-arian katulad ng hacienda, hotel, resorts, restaurants at kung ano ano pa. May limang lalaki sa pamilya n'yo, ang mga kuya mo. Gustong gusto ng mga magulang mo na magka-anak ng babae at dahil mabuti sila ay binayayaan sila ng Diyos. Mahal na mahal ka nila anak at saksi ako dun dahil isa ako sa mga katulong n'yo. Mahal na mahal ka rin ng mga kuya mo." Grabeng pangyayari naman to. Hindi ko na kaya, parang hindi ko na kayang tanggapin.

"Paano po ako napunta sayo nay!? At saan ang pamilya ko!? Bakit wala sila sa tabi ko?" Naghehestirical kong tanong sa kanya.

"May kaaway ang pamilya mo anak at ipinakidnap ka nila at balak sanang ipapatay. Ang tatay Andoy mo, hardinero s'ya sa mansion at nobyo ko s'ya sa mga panahong 'yon anak. S'ya ang kumidnap sayo at papatayin kana sana pero nanaig ang kabutihan sa puso n'ya at dinala ka sa barong-barong namin. Gulat na gulat ako noon dahil nakita kitang umiiyak na karga ng tatay mo. Pinalitan kana lamang n'ya ng ibang batang bangkay kaya hindi na naghinala ang gustong magpapatay sayo. Hindi ka narin hinanap ng pamilya mo kasi naniwala sila sa bangkay na pinakita ng tatay mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa dahil sa mga narinig ko.

Hindi ko matanggap na ang taong tinuring kong tunay na ama ay gusto akong patayin noong bata pa ako. Para ano? Para sa pera?

"Sana wag mong kasuklaman ang tatay Andoy mo anak ginawa lang n'ya yun dahil sa akin. May sakit akong dengue anak at wala kaming pera para ipangasto sa hospital, ang dami na rin naming utang kaya kumapit s'ya sa patalim. Pero anak  tinuring ka naming tunay na anak 'yon nga lang ay hindi namin naibigay ang magandang buhay sayo. Sana patawarin mo kami anak."

Para akong tuod na nakikinig lang kay nanay pero umaagos ang mga luha ko. Hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin o sasabihin. Nalilito at naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko matanggap.

"G-gusto kong makita ang tunay kong pamilya." Namamaos kong saad.

Lumayo si nanay sa akin at may kinuha sa maliit na baul. Isang kwintas na may naka ukit na Ammara. Mayroon ding mga litrato ko noong bata pa ako at isang lumang sobre.

"Nakasulat sa sobreng 'yan ang lugar kong nasaan ang bahay ng pamilya mo anak ipakita mo rin sa kanila ang mga lumang litrato at itong kwintas mo."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, dapat ba para sa akin ang mga pangyayaring 'to? Masyado naman ata akong pinapahirapan.

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن