Napautol ang tula ko sa biglang pagsaad ni ser. Kunot na kunot na ang kanyang mga noo. Gulong gulo s'ya sa pinagagawa ko.

Hala teka! Diba sabi n'ya kanina na KAIBIGANG LALAKI at KAIBIGANG BABAE? Ang ibig ba n'yang sabihin ay gusto n'ya ako maging matalik na kaibigang babae?

Nakakalulungkot naman 'yon.

Alam ko na sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya at masakit malaman na gusto ka lang maging kaibigan ng nagugustuhan mo.

Umupo ako sa tabi n'ya.

"Kasi naman ser, alam mong hindi ako nakakaintindi ng wikang binabanggit mo pero lagi ka paring nag eenglis kapag kausap ako." Malungkot kong saad sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana.

"O-okay i-i'm---I mean patawarin mo ako." Tumigil muna s'ya at hinawakan ang kamay ko bago nagsalita.

"Anong sagot mo sa sinabi ko kanina?"

Nakikita kong napakakinang ng mga mata ni ser pag tinitigan ko hindi katulad ng mga mata n'ya kapag nasa opisina kami. Ang mga matang kinatatakutan ng lahat kasi napaka lamig.

Ngayon kasi kapag tinitigan mo s'ya at parang punong puno ng pag-asa.

Ganito ba s'ya kasaya na maging kaibigang babae lang ako?

"A-ah oo naman ser."

Oo pumapayag na akong maging kaibigang babae n'ya. Kahit ikakasakit ko basta ikakasaya n'ya ay okay na ako.

"Yes! Yes! Thank youuu!"

Halos mahulog ang puso ko dahil sa ginawa n'ya. Bigla n'ya akong binuhat at ipina-ikot ikot sa ere.

"Serr ano ba! Ibaba mo ako!" Tumatawa s'yang ibinaba ako.

"Pasensya na ang saya saya ko lang." Tumango ako.

Maging kaibigang babae lang pala ang gusto n'ya. Umasa pa naman ako sa mga pinapakita n'ya. Umaasa akong pareha kami ng nararamdaman base sa mga ginagawa n'ya para sa akin. Pero mali ako kasi hindi n'ya ako gusto tulad ng pagkagusto ko sa kanya. Gusto n'ya lang ako bilang kaibigan.

"Teka bakit parang hindi ka natutuwa?" Biglang tanong n'ya nang mapansin na malungkot ako.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Sino ba naman ang matutuwa kapag ang taong gusto mo ay gusto ka lang bilang kaibigan?" Naguluhan s'ya sa sinabi ko.

Hinawakan n'ya ang kamay ko at lumuhod sa harap ko.

"Huh? Anong kaibigan lang?" Naguguluhan n'yang tanong.

Hinawakan n'ya ang mga pisngi ko at pinatitig ako sa kanya.

Biglang kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa ginawa n'ya.

Bakit ba ganito ang mga lalaki? Nakapa sweat nila pagdating sa mga babae pero ang gusto nila kaibigan lang pala.

Bakit pa sila naging sweat kung kaibigan lang pala ang gusto nila diba?

Sweat? Diba yun yung napaka tamis ng mga ginagawa nila para sa isang taong gusto nila.

"Sabi mo kanina, girlfriend. Ang ibig sabihin gusto mo akong maging kaibigang babae." Madrama kong saad.

"Gusto kita pero kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Ang sakit sakit." Hinawakan ko ang puso ko.

Hindi dapat ako ang unang nagsaad ng pagmamahal ko sa kanya kasi dalagang Pilipina ako pero nasasaktan ako sa ginawa n'ya eh.

Parang nalaglag ang nga panga n'ya dahil sa sinabi ko. Hindi s'ya makapaniwala.

"A-ang ibig mong sabihin hindi mo na gets ang sinabi kong GIRLFRIEND? HAHAHAHHAHAHAHA"

Tinitingnan ko lang s'ya habang tumatawa. Nakahawak pa s'ya sa t'yan n'ya at halos maluha na. Para s'yang tanga.

"HHAHHAHAHAHAHA sabi ko na nga ba eh HAHHAHAHAHAHAH" Tawang tawa s'ya pero nakatitig lang ako sa kanya, hindi alam ang gagawin.

Baka napasukan na naman to ng multo? Wag naman sana. Wala pa naman akong dalang bendita.

Maya-maya ay tumigil na s'ya kakatawa at hinahapong umupo sa tabi ko.

"Alam mo Carnasyon, ayaw kong maging kaibigang babae ka lang. Haha ang dami kong sinabi kanina pero hindi mo pala naiintindihan. If you can't understand my love for you in words might as well I will just let  action takes place." Saad n'ya habang nakatitig sa mga mata ko.

Hinawakan n'ya ang pisngi ko at dahan-dahang inilapit ang mukha sa mukha ko. Nang dumikit ang labi n'ya ay s'yang paglabas naman ng mga naggagandang paputok sa langit.

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now