"Pagluto kalakip ang pagsuko"

15 2 1
                                    

Hindi ako PAKBET
kaya hindi ako nangarap na ni minsan ako ay maging PAK sa paningin mo o
maging BET sa puso mo
At mas lalong hindi ako KABET na
KAkaririn mo lang pag hindi ka na niya BET

PAKBET pak na pak at bet na bet
kita
kaya umasa ko na baka kapag pinagluto kita ng iba
eh masarapan ka pa
natatakot kase ako baka mag-sawa ka
Alam mo naman kase sa panahon ngayon
kung sino pa 'yong napapakinabanggan sila pa yung itatapon
at kung sino pa yung hindi
siya pa yung kasama mo maghapon

pero bakit ganon nilutuan ka lang niya ng Itlog na may ampalaya
pinili mo pa siya
yan tuloy gaya ng isang ITLOG pag nahulog kana asahan mong madudurog ka lang sa kanya
at gaya ng AMPALAYA
pinairal mo yang kulubot mong utak sa mga chats niya
yang katangahan mo sa kanya
yan tuloy naging bitter ka na

Pinagluto pa naman kita ng TINOLA
TINOLAk mo kasi ako baka kasi pag TINOLAk naman kita eh sa 'kin kana mahulog hindi sa kanya
Nagluto kapa ng PINIRITO
bat kase hindi na lang ako ang PINIli RITO

Tingnan mo ko,
Masaya, buo at kontontento
di katulad mo PAMINTA
Hindi yung BUO
kase hindi ka NABUO sa piling niya DUROG
kase NADUROG ka lang sa kanya

At kung may darating mang tamang tao
Hindi na PAKBET ang lulutuin ko
ADOBO na hindi simple panigurado dadamihan ko ito ng maraming sili para SPICY dahil CHILLY ka makontento sa isa
CHILLY ka nakontento sa 'kin kaya nasaktan ka sa piling niya
At bakit ADOBO?
kasi hindi nako kasing BObo kaya na nagago mo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"S P O K E N  P O E T R Y"Where stories live. Discover now