"Social media;Takdang-Aralin"

58 10 3
                                    

Kabataan noon ay
Iba na sa kabataan ngayon
kabataan na nakikisabay sa agos ng panahon at nakikibagay sa takbo ng henerasyon

Simulan natin sa kabataan noon
Mga kabataan na walang sawang
ginugugol ang oras sa pangangalap ng impormasyon
Mga kabataan na walang sawang tumutulong sa bayan na walang pinipiling panahon
Mga kabataan na sa bawat problemang dumarating ay humahanap ng sulosyon
Mga kabataan na responsable at hindi uhaw sa atensyon

Ang mga kabataan ngayon na kapag inutusan s'ya pa ang galit
Mga kabataan ngayon na sa bayan ay tuluyan ng nawalan ng malasakit
Mga kabataan na lahat nalang pinapansin pagkatapos ay hinuhusgahan
mistulang pulubi ay ginagawang libangan kukuha ng larawan
ipopost sa social media at
gagawing itong katatawanan

Sino!?Ano!?
Sino ang dahilan ng mga pangyayaring ito?
Ano ang nangyari sayo?

Social media ating makikita mga impormasyon na maaari nyang madala
Mga ibat-ibang website's ang ating magiging kasangga
Google,Mozilla,Wikipidea at marami pang Iba

Nariyan Si Facebook,Twitter,Instagram at ML
Facebook na Hindi malimu-limutang buksan samantalang ang takdang-aralin ay kinalimutan ng sagutan
Twitter na labasan ng opinyon samantalang sa takdang-aralin ay hindi makahanap ng sulosyon
Instagram na pabonggahan ang labanan samantalang hindi hindi kayang bonggahan ang takdang-aralin na pinasasagutan
ML na kayang ipaglaban ang Torre
pero hindi kayang ipaglaban ang mag-aral ng mabuti

Wika ni Jose Rizal "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan" Nasaan na?
Ang kabataan na ipinaglaban at ipinagmamalaki niya
Tuluyan na ba tayong magpapalamon sa sistema ng social media? o Atin ng sisimulan ang pagbangon mula sa pagkadapa?

Hindi pa huli ang lahat
Mula sa pagkakamali ay may pagkakataon pa tayong lahat
nasa atin ay sasapat
Alam natin na ito lang ang dapat
Kaya't halina bumangon at gawin ang nararapat



"S P O K E N  P O E T R Y"Kde žijí příběhy. Začni objevovat