"Ang kasinugalan sa Tayo hanggang dulo"

19 7 0
                                    

Tayo hanggang dulo
Salitang pinanghawakan ko ng todo
Kayat Nahulog ko
At patuloy na nahuhulog ako
Ay mali maling-mali
Nadurog nga pala ko
Dinurog mo nga pala ako
Pero hindi panghabang buhay magpapatuloy ang madurog mo ulit ako

Sweet sa umpisa kunwari ayaw ka niyang maagaw ng iba
Sweet sa chat mapagkunwaring tanungan kung kumain ka na ba?
Oh diba? sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya pero hindi ko namamalayan na habang tinatanong niya ko kung kumain na ba? ay may kinakain na pala siyang iba
Kaya pala naghanap ka
Kase mukhang sa piling ko nadudurog ka na
Kaya pala umayaw ka kase nabubusog ka ng iba

Ganun siguro kapag nagmamahal ka Hindi mo maiiwasan na mapaglaruan ka
Ganun siguro kahit na piling mo lang ay minahal ka
Hindi mo maiiwasan na masaktan ka

Ang sweet naman nila
Buti pa sila ang higpit ng pagkahawak sa kamay ng isat isa
Naalala ko tuloy
Sa kung paanong pagpipilit ko na higpitan ang hawak ko sa kamay mo
Ay kung paanong mo naman pinipilit na
bitawan ako
Ang sweet talaga nila
Buti pa sila ang higpit ng pagkakayakap sa isat isa
Naalala ko rin tuloy
Sa kung paanong pagpipilit ko na higpitan ang yakap ko sayo
Ay ang kung papaanong may piglas sa mga yakap mo
Ang sweet sweet talaga nila
Buti pa talaga sila may pinaninindigan sa salitang mahal kita
Naalala ko tuloy sa kung paanong pagpapilit ko na panindigan ka
Ang tayong dalawa
Ay kung paanong naging duwag ka
At ang tanging nadama ko na lang sa
Paghawak ng kamay natin ng isat isa
Pagyakap at ang pagsabi ng Mahal kita
ay palayain mo na ako dahil masaya na ko sa kanya

Kayat ang tanging hiling ko lang wag ka sanang magpakita ng motibo
Wag ka sanang maging motibo
Na tayo hanggang dulo
Na may tayo sa dulo
kung paumpisa palang ay tinatapos mo na ito

"S P O K E N  P O E T R Y"Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ