"Ang naghanap at Ang nagpanggap"

16 7 0
                                    

Dalawang tao ang naghahanap
Isa ang tunay at ang isa naman ay nagpapanggap
Ako ang tunay na naghanap kaya't hindi ko matanggap na ang dating ilaw ng buwan at ang dating gabay ng alitaptap ay tuluyan ng tinangay ng alapaap

Nangakong walang sakit ang
matatanggap kaya't nagpatuloy ako sa paghahanap

Pero Hindi na tayo nagliyab
Walang ikaw na sumiklab

Hindi na takot
Isinantabi ang pag ikot
Nagpatuloy sa daang makipot
Pero ang tanging natagpuan ay ang Ikaw sa kalungkutang Masalimuot

Pinilit na muling bumalik
Pinilit na muling ibalik
Dahil mahal ikaw parin ang pinipintig
gaya ng orasan sa walang sawang pagpitik
kung kaya't lalaban ako para sa pag-ibig
Lalaban ako para sating pag-ibig
Kung kaya't lumaban karin sana dahil ako ang iyong iniibig

Ako ang naghanap at Ako rin ang nagpanggap

Naghanap kase nagbaka sakali ako
na baka kaya pa
na baka pwede pa
na baka gusto mo pa
na baka akoy mahal mo pa
Nagpanggap kase kahit alam ko na
Na Hindi na talaga
Pinilit ko pa
Pinili pa rin kita
Nagpanggap ako na kunwari
Mahal pa natin ang isat isa
kaya't naghanap den ako
pero ang natagpuan ko ay ang
Ikaw sa pagitan ng kayo
Ikaw sa pagitan ng wala ng Tayo
Ikaw sa pagitan ng Hindi na ako

Kaya't kumaripas ako ng takbo at sinisi ang sarili ko
Ang tanga ko Ang tanga.. tanga ko
Kaya't ang tanging nasa isip ko

Ano ang nagawa ko? Ano ba ang ginawa ko?

Ano ba ang nagawa ko? Lumaban lang naman naghanap pero nasa pagitan ka ng kayo ng ikaw ay matagpuan ko
Ano ba ang ginawa ko? Hindi ako nagkulang
Wala kong pagkukulang
Ako pa nga yung nagpipilit na lumaban
Pinipilit na ika'y aking ipaglaban

Subalit huli na nang ikay aking matagapuan

"S P O K E N  P O E T R Y"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum