"Tag-ulan na naman!"

8 3 0
                                    

Tag-ulan na naman!
bakas parin sa aking mukha ang pagiging luhaan
ang maiwan sa kawalan ng lamig na hatid nang tag-ulan

Tag-ulan na naman subalit para sayo ay handa parin akong masaktan
Tag-ulan na naman subalit para sa tayo ay handa kong gawin ang lahat upang maibalik ang nakaraan
kahit na ang dapat mas unahin ay ang sarili at ang dapat na mas alalahanin ang sakit sa kung paanong mapapawi


Kagaya mo ay iniwan niya rin ako
pinaniwala na may tayo sa dulo
na tayo hanggang dulo
pero naisip ko bakit pa kailangan ng dulo kung pwede namang dito na lang tayo sa umpisa o kung ayaw mo sa gitna
Bakit ba kase may dulo pa
yan tuloy hinatid niya ko at naiwan naman akong mag-isa
Tsanggala! Ang sakit pala
dahil kung akala ko ay kaya ko nang painitin ang sarili ko nang mag-isa
Hindi pala kase mas masaya parin pagkasama kita

Alam mo mahal tag-ulan ngayon gaya nang pang iiwan mo sa akin tag-ulan din yon ng hapon
Sabi mo kaya nating sabayan nang init nating dalawa ang lamig na hatid ng tag-ulan
Pero mahal naman oh ibang init yata yung sinabayan mo
Ibang init yata yang nasabayan mo

Magkahawak ang kamay
Ito na ata ang tagumpay
pero nung nandon na tayo sa dulo tsaka ka bumigay

"S P O K E N  P O E T R Y"Where stories live. Discover now