"Ang kapalaran ng Tayo"

21 8 0
                                    

Sumuko pero hindi ako kagaya mo na nagtago
Nangako pero hindi ako kagaya mo na lahat ng sinasabi ay palaging napapako
Natuto pero hindi ako kagaya mo na
hindi na natuto
Totoo kaya hindi ako kagaya mo at hindi ko gugustuhing maging ikaw

Sa bawat ilaw na nadadalaw
Sa bawat sigaw na bumabalahaw
Ay ikaw sa bawat galaw
Mundo ma'y gumunaw
Lumisan man ang araw
Ang pagmamahal mo ay parang isang malaki at matigas na yelo na hinding-hindi matutunaw

Sabay na lumaban sa tadhana at
Sabay ring nag makaawa
pinilit na lawakan ang pang unawa pero mas pinili na palayain ang sarili dahil pareho nating alam na yun ang tama
pero umaga hanggang sa gumabi ako'y nangungulila
Di alintana ang sakit natatama
kaya't ang tanging hiling ay
Sakit ay mapawi na
upang ang Tayo ay mabawi na

Ngunit sa kabila ng ating pakikidigma
sa kabila ng aking pagiging balisa
nararapat pa ba?nararapat pa bang ipilit kahit hindi na maaari
nararapat pa ba kitang piliin
kahit sayo ay meron ng nagmamay-ari

Hindi ko mawari
Dahil sa bawat sandali
Ang sinisigaw ng puso ko ay ang pangalan mo subalit
Habang isinisigaw ko sa buong mundo na ikaw yung taong mahal ko
Isinisigaw mo naman sa kaparehong mundo yung taong minamahal mo

Naguguluhan nako
Hindi ko alam kung gusto mo pa ba ako
Hindi ko rin alam kung gusto mo na ba ang dating tayo

Dahil kung kalayaan ang gusto mo
Handa akong ipataw yon sayo
Dahil kung saya pa ang hanap mo
Handa kong magparaya sa inyo
At Dahil Hindi na ako ang mahal mo Handa kong maging masaya para sa kayo

Ang hirap ng nakikita mo yung taong mahal mo na namamaalam sayo
Hindi dahil nawala siya kundi dahil may mahal na siyang ibka
May minamahal na siya

Ano ba ang dapat nating gawin para Hindi tayo iwan?
Ano ba ang dapat kong gawin para
Hindi mo ko iwan?

Wala wala naman talaga tayong magagawa
Dahil kung iiwanan ka, iiwanan ka

Tadhana ko na dumaan kalang
sa buhay ko
Ang kapalaran ng tayo
ay tuluyan ng mapapako
dahil ikaw mahal
ay matagal ng gumuho

"S P O K E N  P O E T R Y"Where stories live. Discover now