"Covid-19"

49 10 1
                                    

Nakakalungkot lang isipin marami na ang lumisan at naiwan subalit sa kabila nito ay marami parin ang pilit na lumalaban at pinipilit na lumaban

Marami ng unos ang narasan
subalit meron pa tayong mararanasan

Maraming hindi makaka-graduate
Oh di kaya'y sa recognasyon ay hindi makaka-akyat sa stage

Marami ang nawalan ng trabaho
kapalit ay walang makain ang mga pamilya na apektado nito

Sabi ng iba maraming mga mag jowa ang hindi muna makikita ang isat-isa
Walang gala,walang pera
kung ating titingnan hindi bat
mas okay na'to kesa maraming buhay pa ang mawawala o mawala

Ibat-ibang sakuna ang atin ng kinaharap
Hindi mo kailangang magpanggap
Sapagkat tayo mismo ang magsisilbing tulay upang sabay nating makamtan
ang ating mga pangarap

Tayo ang magsisilbing lakas sa kahinaan ng isa
Tayo ang magsisilbing pananggala sa espada ng bawat isa
Tayo ang magsisilbing liwanag sa madilim na gabi ng iba

Saludo,Taas noo sa mga Pilipino na nagbubuwis at nagbuwis ng buhay nila
Mapa Janitor,Nars,Doktor,Police,Sundalo at Iba pa
Kayo ang nagsilbing bayani
sa takot na ngayon ay aming ng inaani
Kayo ang aming bayani sa inyong mga walang sawang pagpupursigi
Kayo ay mananatiling bayani
sa huli,sa muli

Fake news ay iwasan
Pagdarasal ang dapat pagtuunan
Iwaksi ang pansarili nating hangarin
Pagsunod sa pamahalaan ay dapat gawin
upang mapagtagumpayan natin
Covid-19 di na muling babalik satin

Laban Covid-19 lang yan!

"S P O K E N  P O E T R Y"Where stories live. Discover now