"Kaya kong Wala ka"

36 8 0
                                    

Lahat naman tayo ay nagmahal at hanggang ngayon ay patuloy parin na nagmamahal
Alam mo kung hindi ka naging hangal ngayong araw na ito na sana ang ating kasal
Pinilit ko na hindi ka masakal
Hindi itinali't pagkat alam ko na hulog ka ng maykapal
Palagi kitang pinagdarasal
Alam mo yung masakit?
pinagdamot kita sa iba para lang maprotektahan ang tayong dalawa pero pinagkaloob mo yung sarili mo sa kaibigan ko pa
Ayoko ng tawagin kang mahal dahil hindi na kita mahal

"Hindi Sinasadya"?
nakakapagbiro ka pa
"Hindi na mauulit-ulit"?
Sa tingin mo ganon kadali lang mawala yung sakit
"Patawad"?
Eh bakit ngayon ka lang?
kung kailan buo na muli ako
Para ano?para wasakin mo ulit ako

Tama na!masaya na ko nakikita mo naman diba kinaya ko ng wala ka at mas kaya ko na ng wala ka
Anong tingin mo sa buhay ko bahay na pwede mong uwian kung kailan mo lang gusto?
Anong tingin mo sa puso ko bubong
na kapag sirang sira ka na
Ako ang sisilungan mo
Anong tingin mo sakin pader
nasasandalan mo kapag tumumba ka?
Tanga ka ba!Ang dating bahay ay matagal ng nawasak
At ang dating tayo ay matagal mo ng winasak

Kaya sa tingin mo babalikan pa kita?
Bakit nung inaantay kita bumalik ka ba?
Napagtanto ko na ang kasiyahan ay hindi lang matatagpuan sa taong mahal mo o minamahal mo bagko's ay maaari karing sumaya sa mga taong nakapaligid sayo
Sa sarili mo
Manatiling kalmado sa mundong mapaglaro
Manatiling kalmado sa mga taong mahilig manlaro

"S P O K E N  P O E T R Y"Where stories live. Discover now