"Patawad at Paalam"

19 8 0
                                    

Dati namang malaya ngunit
Ako'y nabihag mo
Dati namang kontento ngunit
Ako'y binago mo
Dati namang buo ngunit
Ako'y winasak mo
At Dati namang masaya ngunit
Ako'y ginago mo

Ngayo'y nagtataka bakit sayo pako napunta?
Marami namang iba pero mas pinili ko na magkaron ng tayong dalawa
Kase akala ko iba ka katulad karin pala nila

"Hindi ka magsisi" salitang pinanghawakan ko ng mabuti
dahil inakala ko na ito ay walang bahid ng pagkukunwari
ngunit isa pala itong malaking pagkakamali

Ngayon ay puno ng dalamhati
sa huli,sa muli ikaw parin ang aking pinipili
kahit may iba ka ng napili
Ngayon ay di makangiwi
mistulang saya ay agad ding nabawi
mistulang lungkot ay hindi na mapawi

Sayong ngiti ay nahulog ako
ngunit sapiling mo rin ay nadurog ako
Sayong ugali ay nahulog muli ako
ngunit sating dalawa ang mas nagdurugo ay hindi ikaw kundi ako

Ngayon ay nandyan ka sa aking harapan
hindi ko alam kung muli pa ba kitang pagbibigyan
dahil minsan mo na kong iniwanan at minsan mo na din akong sinaktan

Hindi ko alam kung ano
ang paniniwalaan ko
kung ang utak ko ba o ang puso ko
dahil ang sinasabi ng utak ko ay hindi at ang sinasabi naman ng puso ko ay Oo kaya nagmuni-muni ako at napag-isip isip na sa oras na ito utak muna ang paiiralin ko kesa ang puso ko

Patawad kung sa tingin mo
ay may pagkukulang ako
Patawad kung nagkulang nga talaga ko
Patawad kung ngayon ay magkukulang ako na pagbigyan ka sa hinihiling mo
At Paalam sana ay makahanap ka na ng tunay na magmamahal sayo

"S P O K E N  P O E T R Y"Where stories live. Discover now