Alam ko na alam mo kung paano at gaano kasakit ang masaktan
Ang maiwan sa pangako nang-iilan
Ang umasa na muli mo pang babalikanLahat naman siguro tayo
sumugal na at Oo
naranasan na kung paano ang maging panalo at kung gaano kasakit ang mataloPanalo yan ang inakala ko nung nagkaroon nang tayo
Tropeyo? Hindi na kailangan niyan
dahil kung Tropeyo at medalya lang ang pagbabasihan
Mahal mas higit ka pa diyan
pero nakalimutan ko may certipiko pa nga pala
'Certificate of participation'
Alam mo bagay 'to sayo
kase parte ka na lamang ng nakaraan koAlam mo para kang Rebisco ay parang hindi dahil imbes na mapasabi ka nang ang sarap nang feeling ko
pero ang totoo ang sakit sa piling moSana hindi na lang kita nakikila
Sana hindi ko nalang iginugol sayo ang panahon ko nang hindi na nasayang pa
ang inasahan kong langit sayo
Aba! Ibang langit yata yung napuntahan ko
Ibang langit yata yung pinuntahan koLilipas ang buwan pero hindi ang hapdi nang nakaraan
Lilipas ang ikaw sa aking isipan pero hindi ang sakit na aking naranasan
Dahil Oo nga isang beses mo lang ako nasaktan
pero ang minsan para sa 'kin ay hindi na muling maiibsan
hindi na muling mababalikankaya kung nasaan ka man
ang mga bituin ay patuloy kang gagabayan
upang ang tamang tao ay iyo nang matagpuan
BINABASA MO ANG
"S P O K E N P O E T R Y"
PoetryI'm your author j a e m a n d i r i g m a♥ Na naniniwala na kapag iniwan ka, Edi magbasa ka! Dahil buti pa sa pagbabasa mata lang ang ginagamit para makakita kesa naman sa kanya Hindi ka na nga makita, ginagamit ka pa! HAHAHAAH! Ito ang tulang may h...