"Hindi na ikaw ang nilalaman at Hindi narin ikaw ang pamagat"

17 6 0
                                    

Ako'y nagsulat
Ngunit hindi na ikaw ang nilalaman at hindi narin ikaw ang pamagat
Matay iminulat sa kasinungalingan mong ako'y sasapat
pero pagpapanggap lang pala ang lahat
Dahil alam ko isa lang at ako yon para sa salitang sapat
Hindi dalawa, tatlo, apat kayat wag mong nilalahat

Kung akala mo panalo ka na hindi
Kung akala mo natalo mo na ko mali
Dahil isang pahina lang naman ng buhay ko ang nababoy mo
Isang parte lang naman ang binaboy mo
Pero hindi ang buong bahagi nito
Hindi ang buong ako

Dahil kung akala mo porket naka holding hands at sweet ang mga conversations niyo
Magseselos ako?
eh aamagin din naman ang kayo
Nako eh diyan den naman ako nadali nito
Pakisabi pala sa pinalit mo wag puro sweet sa kayo
Baka mag ka diabetis siya sisihin mo pa ako
Kilala pa naman kita may pag ka Sour at Spicy ka
Puro soury kapag nahuling nanloloko na at spicy dahil chilly ka makontento sa isa

Teka ano nga bang label niyo?
Ano nga palng name ng brand niyo?

Ay baka Made in China?
Este Made in M.U nga pala kayo
Malanding ugnayan sa magulong usapan
Mahirap unawain kung ano ang tunay na dahilan pero isa lang naman ang kahihitnan yun ang bawal ang maging masaya pero pwedeng masaktan
bawal angkinin dahil hindi naman talaga sa atin

Naalala ko tuloy may pa bigay-bigay ka pa ng cheese
Keso mahal ka niya Keso wala na siyang iba
Alam mo okay na sana
Pero nagbigay ka pa sakin ng pancake
Ginawa mo lang akong pancake
Panacake butas mo
Tapos naalala ko din kasabay non binigyan mo ko ng inumin
Tubig kasi pure, puro
At sabi mo gaya ng tubig na ito
Puro ako lang pero
Nung may nag abot sayo ng Inumin din Softdrinks naman okay na sana eh kase thankyou lang ang sinabi mo pero hindi ko namamalayan na Lemon pala ang Flavor non at kasabay non may intensyon pala siyang Lemondiin ka pero Nag pa Lemondi ka naman sa kanya
Kaya't ang thankyou mo sa kanya ay ang naging goodbye naman sakin

Ayoko namang maging bitter sa inyong dalawa yan tuloy nag mumukha pa akong amplaya
Pero ang galing no? Kasi kahit nagparaya na ko nagawa ko paring Ampalayain siya
Ampalayain ka

Kaya kong ako sa inyo aral muna tayo

Kase buti pa sa pagaaral utak lang ang nahihirapan pero pagdating sa pagmamahal puso na ang nasusugatan

I would like to take this opportunity to tell everybody
How much I miss and I love you,
The days we've been true
Thank you
sincerely, love your employee
- Jerie


"S P O K E N  P O E T R Y"Where stories live. Discover now