"Sana"

48 9 0
                                    

Gaano tayo nakakasigurado
na hindi tayo niloloko ng mga taong minamahal natin ikaw
Gaano ka kasigurado na hindi ka niloloko ng taong minamahal mo
Gaano tayo kasigurado na tayo lang
ikaw lang sa puso
kapag ba nabibigay niya lahat ng luho mo?
kapag ba paulit-ulit nyang sinasambit sayo
na "ikaw lang ang mahal ko"?

Alam na nga natin na niloloko tayo
pero hindi parin tayo natuto
Alam na nga natin na naaagrabyado na tayo dehado
pero hindi parin tayo sumusuko

Ang tigas tigas ng ulo natin kahit na hindi satin ay patuloy parin nating aagawin
kahit ayaw na satin ay patuloy parin nating pipilitin
Kung ano ang tinigas ng ulo mo ay siya ring tinigas ng puso ng taong mahal mo

Pero bakit mo sinabi na hanggang dulo kung paumpisa palang tayo ay agad mo ng tinatapos ito
Bakit mo pang hinangad ang tayo
kung ipagpapalit mo rin naman ako
Bakit mo pa ko ginulo ang ayos naman na ng buhay ko?

Sana sinabi mo na hindi na ako
Sana sinabi mo para hindi lumalim yung sakit na nararamdaman ko
Sana sinabi mo na hanggang dito na lang tayo para napaghandaan ko
At bakit mo pa ko ginugulo ngayon na maayos na ulit ako
"Pakinggan"? bakit noon na nagmamakaawa ako pinakinggan mo ba ako?
"Pagbiyan"? bakit nung nagpapakasasa ka pinagbigyan mo ba ako na dito ka lang
manatili ka sa tabi ko sa piling ko
Para ano?para lokohin mo ulit ako?
para paniwalaan na ako lang ang mahal mo?
bakit?kase narasanasan mo narin ang maipagpalit para kang anghel na pinipilit na magpakabait pero ang totoo isa kang demonyo na magdadala ng sakit

Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko
kung ang utak ko na nagsasabi ng Hindi o ang puso ko na nagsasabi ng Oo
Hindi ko rin alam kung ano ang nais mo?
kung ang manatili sa tabi o ang ulitin muli ang paglisan mo
Hindi ko na alam kung ano ang
Tama at Mali sa mga sinasabi mo
kung ang mahal mo ko o minahal mo ba talaga ako
Kaya't nagmuni-muni ako nakapag-isip isip na sa ngayon ay paiiralin ko muna ang utak ko dahil ang mga pangakong sinambit mo ay katumbas ng tiwalang binitawan ko
At ang pagpapaniwala na ako lang ang mahal mo ay katumbas ng pangako na ikaw lang din ang mamahalin ko

Patawad kung sa tingin mo nagkulang ako
Patawad kung nagkulang nga talaga ako
Patawad kung ngayon ay magkukulang ako sa hinihiling mo
Salamat sa lahat kaya't sana'y magawa mo paring ngumiti
Manatili na masaya sa bawat sandali
Mahal malaya ka na ulit na makapipili


"S P O K E N  P O E T R Y"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon