"Talo ang pikon"

11 5 0
                                    

Malamang sa malamang
Hindi mo parin alam ang sagot sa mga katanugang
Bakit ka niya iniwan? Bakit siya pa tong may ganang mang-iwan? Bakit nga ba?
Kase ako den hanggang ngayon
nakakulong sa laro niyang talo ang pikon
mistulang naghahanap sa dilim pinipilit na maging puti ka naman kahit minsan at ako naman ang maging itim
Mahal malalim na ang gabi pero wala ka pa
Gigising nang umaga ng wala ka na

Kase bakit ba?
Sumama ka pa sa kanya?
Porket ba may braces siya at ako naman ay wala
Porket ba mayaman siya at kami naman ay dukha
Porket ba maputi siya? Porket ba gwapo o maganda? At ako naman ay mukhang nasirang alikansiya

Mahal ito ang pakatandaan mo
May braces man o wala di dapat winawalanghiya
Mamayan man o dukha di dapat ikinakahiya
At May mukha man o wala
Lahat tayo ay pantay pantay na ginawa

Parehong sumasaya at parehong lumuluha
Parehong nagmahal kalakip ang sakit na matatamasa
At patuloy na mabubuhay kahit
Iniwan mo sa pagitan ng bakit? at sakit?

Bakit mo ko pinagpalit?
Bakit sobrang sakit naman yata gayon pa man ay alaala ka nalang ng nakaraan kong sobrang pait.

Ta's eto pa ang lakas mong makapag post sa Facebook na gino ghost kita
Oo ghinost kita
ghinosto kita kahit na alam kong ikaw ang mas ghost sating dalawa

Dahil may balak lang na magparamdam kapag hindi na kayo nilanggam

Isa lang naman ang gusto ko
nalaro ko na ang mundo mo
nilaro mo na ko sa mundo mo
bat hindi mo naman subukang laruin ang mundo ko
nang maranasan mo namang
mawasak at matalo
umiyak ng todo at umuwing dehado

"S P O K E N  P O E T R Y"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon