Napaatras nang bahagya ang Naiad nang maramdamang malapit na sa mukha niya ang may-ari ng boses.

"Hindi ko alam." Umiling ang Naiad. "Hindi ko alam kung sino ako at hindi ko alam kung bakit nga ba ako napadpad dito."

Yumuko ang Naiad at pansin na ang panginginig ng boses niyang para bang nagbabadya na siyang umiyak.

"Ang naaalala ko lang ay nakasakay ako sa karwahe. Ginawa ko ang lahat para makatakas sa kanila kaya nakarating ako sa talon. Simula noon ay doon na ako nagtago at nanirahan kaya patawad." Humikbi siya. "Patawad kung ang ilog at ang talon ay pagmamay-ari niyo. Wala na akong ibang alam na tirahan."

Napalingon si Castor sa likod kung nasaan si Eoin. Para bang nag-uusap silang dalawa gamit ang mindlink.

Ilang saglit pa ay binalik niya ulit ang tingin sa Naiad. "Sino ang tinutukoy mong may dala sayo?"

Nanginig ang ibabang labi ng Naiad. Mukhang nagdadalawang isip siyang sabihin kung sino sila. Ilang segundo ang lumipas pero tikom ang bibig niya.

Nilabas ni Castor ang dagger niyang mula sa scabbard na kinagulat ko. Tinaas ni Castor ang leeg ng Naiad at dinampi ang metal ng dagger sa balat niya na parang lalaslasan niya ng leeg.

Bakas ang gulat sa aksyon ng Naiad at tuluyan siyang humagulgol ng iyak sa takot.

"Hindi ka ba magsasalita?" Banta ni Castor.

Ilang segundo siyang umiyak habang nanginginig bago siya nagsalita.

"Witches. Mga witches." Nauutal niyang sabi.

Nang marinig namin ang sinabi niya ay kaagad na tinanggal ni Castor ang dagger sa leeg niya at binalik muli sa scabbard bago tumayo.

"Mestro Carlos, Sov Reine. Inuutusan ko kayong pag-aralan ang Naiad," usal ni Sister Leyva.

"Distro," sambit ng dalawa na mula sa Plasma Family.

Naiwan parin akong tulala sa Naiad na ngayo'y puno na ng pagtataka sa mga panibagong boses na naririnig niya. Nagform ng kamao ang mga kamay ko.

Witches. Wala na ba talaga silang magandang idudulot sa buong Amaryllis?

Dalawang royal guard ang pumasok at tinanggal ang pagkakagapos sa paa ng Naiad bago siya binuhat sa magkabilang braso.

"Saan niyo ako dadalhin?" Nagpumiglas siya sa dalawang kawal.

Nakalabas silang tatlo at sumunod naman si Mestro Carlos at Sov Reine. Mukhang pag-aaralan nga siya gamit ang facility ng palasyo.

Matapos ng insidenteng 'yon ay sumunod na kaming lahat palabas ng cell prison at pumunta sa conference room ng palasyo para pag-usapan ang lahat. Umupo kami sa dating pwesto noong unang meeting namin dito sa conference room.

"Unahin muna natin ang wetland village," panimula ni Eoin. "Mestro Anne?"

Tumingin kaming lahat kay Mestro Anne na katabi ko sa kaliwa.

"Una naming pinuntahan ang bahay ni Prinsesa Cyndel bilang unang hakbang. Malaki nga ang tyansang isang bagay ang hinahanap ng Dark Assemblage ngunit wala kaming nakitang kahina-hinala mula sa sa tulip house ng Prinsesa. Nang dahil doon ay minabuti naming pumunta sa Rhine Falls kung saan pumunta rin ang Dark Assemblage. At doon nga namin nakita ang Niad. Nawa'y malaman kaagad nina Mestro Carlos kung akong uri siyang nilalang para makausad tayo sa imbestigasyon."

Tumango si Eoin. "Salamat, Mestro Anne. Magaling ang ginawa niyo." Nilipat niya ang tingin kay Sister Leyva na nakaupo malapit sa kanya. "At sa dryland?"

Tumikhim si Sister. "Wala ring anumang bakas ang naiwan mula sa Dark Assemblage sa dryland village. Ngunit isang mamamayan ang nagsalita na ginamit ng Dark Assemblage ang gate sa dryland upang makatakas pagkatapos ng pag-atake. Kung ginamit nila ang gate na 'yon, ang ibig sabihin tinahak nila ang Northeast o North part ng buong Amaryllis. Pwede nating maging lead ang impormasyong 'to para magkaroon ng posibilidad na mga susunod nilang aatakihing lugar. Ang nakakapagtaka ay ilang araw na ang nakakalipas simula noong pag-atake dito sa Elf Village ngunit wala pa tayong nababalitaang pag-atake sa Northeast or North part ng Amaryllis."

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now