Chapter 26

12.8K 433 33
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 26

I R I N E

KANINA pa akong nakikipaglaban sa isang manekin na gawa sa kahoy at tela dahil umalis si Red na partner ko. Wala na rin namang natitirang available na scholar para maging pansamantalang training partner.

Napabuntong hininga ako at sinipa ang tagiliran ng manekin na nababalutan ng makapal na tela.

Ramdam ko ang pagkawala ng presensya ni Red. Dahil na rin siguro na siya ang kasama ko sa mga nakaraang araw kaya naging komportable ako kapag nandiyan siya sa tabi ko.

Excited na akong matuto sa mga susunod na trainings namin. Ang saklap lang talaga na wala akong kalaban ngayong araw.

Tinitigan ko ang manekin. Sa 'di malamang dahilan ay biglang nagbago ang itsura ng manekin sa paningin ko at nakita ang mukha ni Lina na nakangisi sa 'kin.

Hanggang dito ba naman minumulto ako ang mga tingin na 'yan.

Kaagad kong kinuha ang sword at mabilis na winasiwas sa manekin. Nag-echo ang tunog ng naputol na kahoy at nahulog sa lupa ang ulo nito.

Bumwelo ako at sinipa ko ang tiyan ng manekin dahilan kung bakit tumumba na nang tuluyan ang peke kong kalaban.

Tinitigan ko ang manekin at nawala na rin ang mukha ni Lina. Hindi ko napansin na may dalawa na palang nakatayo sa tabi ko na pinapagitnaan ako at nakatitig din sa napatumba kong kalaban.

"Sinong nanakit sa 'yo, Irine?" Inosenteng tanong ni Cyndel habang nakatingin sa manekin.

"Anong ginawa niya para abutin niya ang ganitong sitwasyon?" Tanong din ni Nisha.

Huminga ako nang malalim at tiningnan silang dalawa. Ganoon rin ang ginawa nila sa 'kin habang bakas ang curiousity sa mukha.

"Wala naman, masyado lang akong nag-enjoy," usal ko.

Nagkatinginan silang dalawa sa isa't-isa bago lumipat muli ang tingin sa 'kin.

"Sabi mo e," sabay nilang sabi.

"Nandiyan na ang mga Mestro! Nakabalik na sila!" Isang kasamahan namin ang sumigaw galing sa gate. Kaagad namang nagsitakbuhan ang iba at nagkumpulan sa harap ng bumubukas na gate mula sa outer layer ng Amaryllis Camp.

"Nandiyan na sila!" Sigaw ni Nisha. Pati silang dalawa ay parang excited sa dadating.

"Sinong sila?" Tanong ko sa kanila.

Mukhang wala sa 'kin ang atensyon ni Nisha dahil sa kaguluhan kaya si Cyndel na ang sumagot.

"Sila ang mga Mestro. Maituturing silang parehas sa mga teachers sa ibang dimension." Kumindat siya.

Teachers? Kaya pala wala akong nakikitang mas nakakatanda na namamahala sa 'min. Pwera lang ang teacher noong amateur pa ako. Siya palang naman nakikita ko. 

Ilang saglit pa, may umalingawngaw na tunog ng pagtakbo ng mga kabayo. Pumasok ang sinasabi nilang Mestro sakay ng mga kabayong...

May pakpak?

"Pegasus," sambit ko.

Totoo sila!

Halos malaglag ang panga ko habang pinapanood ang sunud-sunod na nagsisitakbuhang pegasus. Ang isa pang kabayo ay lumipad at nilampasan ang mga scholars na nagkukumpulan sakay ang isang lalakeng Mestro. Napatingin ang mga scholars sa lumipad na pegasus hanggang sa naglanding ito sa kabilang side ng kumpol ng tao.

Lumipat ang tingin ko sa iba pang mga Mestro na pumasok sa battle ring.

Lahat sila ay nakasuot ng black coat, may dalang mga weapons, at mga bag na nakasabit sa pegasus.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon