Chapter 47

7.2K 268 39
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 47

I R I N E

"Hindi ko 'to ititigil." Tumingin muli siya ng direkta sa 'king mata. "Mahal kita, Irine, at hindi ko hahayaang mawala ka pa sa 'kin."

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Hindi kaya dulot lang 'to ng puno kung saan kami nakaupo ngayon kaya nagkakaganyan siya? O panaginip lang ang lahat?

"Tandaan mo 'to." Hinawakan niya ang kamay ko at dinampi ang labi niya sa likod ng palad ko. "Hindi ako papayag na saktan ka nila."

Nalunod muli ako sa intense na mga titig ni Red. Mula sa mga mata niya, ramdam ko ang sincerity ng mga naririnig kong salita mula sa kanya.

Napapikit ako ng mariin. Pero hindi talaga tama 'to. Gustuhin ko man na sabihin kong mahal ko rin siya, alam kong hindi niya makakayanan ang lakas ng Amaryllis Council.

Hindi ko rin hahayaang masaktan siya nang dahil lang sa 'kin.

Hinila ko kaagad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya bago tumingin nang diretso sa mga mata ni Red. Pansin kong nagtataka na siya sa kilos ko.

"Mas maganda sigurong..." Huminga ako ng malalim. "H'wag muna natin itong pag-usapan, Red. Masakit parin ang pagkawala ni Nisha at wala ako sa katinuan para sa mga ganito."

Natigilan si Red at napansin kong nag-form muli ng kamao ang kanyang kanang kamay. Ilang saglit pa ay tumango na lang siya bago siya ngumiti ng bahagya.

"Naiintindihan ko," sagot niya.

Patawad, Red.

Mabilis akong tumayo at humarap muli sa ilog. Gusto kong lumayo-layo muna kay Red sa mga oras na 'to. Baka magbago pa ang isip ko at suwayin nang tuluyan ang batas ng Amaryllis.

Hinayaan ko nalang si Red na panoorin ako. Inilahad ko ang aking palad hanggang sa may malaglag na cherry blossom mula sa puno. Kaagad kong isinara ang palad ko at ikinulong ang bulaklak.

Ngumiti ako ng mapait habang inalala ang huling pag-uusap namin ni Nisha. Gusto kong malaman ang mga bagay na nasa isip niya. Gusto kong marinig nang malinaw ang mga sinasabi niya sa 'kin bago siya mawala. Kahit sa ganitong paraan lang, maririnig ko parin ang boses ni Nisha.

Huminga ako ng malalim bago binuksan muli ang palad ko at tuluyang inilaglag ang petal sa ilog.

Inilipad ng hangin ang petal na para bang sinasayaw ito hanggang sa makarating na sa tubig. Nagkaroon muli ng flicker ng ilaw mula sa petal na kumalat sa ilog at unti-unting lumitaw ang mga imahe sa tubig.

Halos hindi ako makahinga nang makita kong muli nang malinaw ang imahe ni Nisha na naghihingalo na. Nakatigtig lamang siya sa 'kin na para bang may gustong sabihin pero nang dahil nawawalan na siya ng hininga, hindi niya ito masabi.

"Irine," panimula ni Nisha. Nagsimula na. Naririnig ko na ang mga bagay na nasa isip niya sa panahong 'yon. "Ikaw na ang bahala sa lahat. Nagmamakaawa ako, iligtas mo ang kapatid kong nakulong dahil sa kasalanang hindi niya ginawa."

Nag-init ang mga mata ko. Masusunod, Nisha. Masusunod. Napatakip ako ng bibig nang naulit ang pag-ubo ng dugo ni Nisha. Halos madurog muli ang puso ko habang nakikita siyang nahihirapan.

"Lo..ic. Aman..da." Patuloy niya. Sa pagkakataong 'to, aktwal na nagsalita na si Nisha. Natatandaan ko ang parteng sinabi niya ang mga pangalan na 'yon.

"Irine, sila…" Tumigil muna ang boses niyang naririnig ko mula sa kanyang isip bago muling nagpatuloy. "Sila ang mga magulang mo. Mag-iingat ka. Mag-iingat ka kung sino ang–"

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon