Chapter 10

15.1K 505 37
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 10

I R I N E

"Sino ka?!"

"Sino ka?!"

"At bakit mo ko ginagaya?!"

"At bakit mo ko ginagaya?!"

"Hindi kita ginagaya!"

"Hindi kita ginagaya!"

"Tumahimik ka nga!"

"Tumahimik ka nga!"

"Hindi ka ba titigil?!"

"Hindi ka ba titigil?!"

"Tama na nga!" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa taong 'to–este elf pala.

Buti nalang ay hindi ako nananakit ng tao–ng elf, kung hindi kanina ko pa ito nabatukan dahil sa panggagaya sa 'kin.

"Bitawan mo 'yang kahon." Tinuro ko ang hawak niya.

Tiningnan niya ito at nagtaka. "Sayo 'to?"

"Malamang. Kaya nga kita pinagbabawalan 'di ba?" Humalukipip ako.

Tinitigan niya ako kaya tinitigan ko rin siya. Kulay brown din ang mga mata niya katulad ng kay Cyndel. Maputi at makinis ang balat niya at matangos ang ilong. May pointed ears din siya na pangkaraniwan sa isang elf.

Sa tingin ko ang hanggang sa balikat niya lang ako dahil sa tangkad niya. Ngunit iba ang kulay ng buhok niya kumpara kay Cyndel. Light brown din ito katulad ng mga nakita ko kanina sa daan.

Magsisinungaling ako kung sinabi kong hindi siya gwapo.

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumiti sa 'kin. Naglakad siya ng ilang hakbang papunta sa direksyon ko kaya napaatras ako sa kinataayuan ko.

"Alam kong gwapo ako at matipuno. Pero bawal mo akong pagnasaan."

Napanganga ako sa kayabangan ng elf na 'to. "Excuse me? Hindi ako magkakagusto sa isang elf na hindi ko naman kilala at trespassing pa sa bahay na ito. Sandali lang–" Umatras ako nang ilang hakbang nang may marealize ako. "Wag mong sabihing..."

Tumakbo kaagad ako sa isang sulok ng kwarto at kinuha ang isang vase sa gilid.

"Magnanakaw ka?!" Itinutok ko sa kanya ito na para bang lalabanan siya. "Ibalik mo rin yang kahon sa 'kin!"

Tinitigan ko siya para siguraduhing wala siyang gagawing masama. Halata sa mukha niya ang pagtataka habang nakatingin din sa 'kin.

Pinaikutan ko siya sa pwesto niya habang nakatutok ang vase na hawak ko sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya.

"Self-defense?"

Susugurin ko na sana 'yung elf nang bigla siyang tumawa at hinawakan ang tiyan niya. Napatigil ako at pinagmasdan lang siyang tumatawa na para bang nawawalan na ng hininga.

"Yan ba ang paraan mo para protektahan ang sarili mo? Mukha kang tanga."

"Aba't–"

"Anong nangyayari dito?" Napalingon ako kay Cyndel na kakababa lang mula sa hagdan. Tiningnan niya kaming dalawa. "May problema ba?"

"Cyndel!" Tumakbo ako sa tabi niya at tinuro ang lalaking elf. "Gusto niyang nakawin ang kahon ko! Trespassser din siya! Magnanakaw!"

Lalong tumawa ang lalake. Bwisit na elf! Kung kaya busalan ko ang bibig ng isang 'to?

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon